Paano mag-update ng account information sa GCrypto?
Kahit Fully Verified ka na, posibleng lumabas ang prompt na mag-update ng account information kung matagal na mula noong huli mong na-verify ito. Required ito ng Bangko Sentral ng Pilipinas para siguraduhin na ang mga Fully Verified users ay may updated na impormasyon at may full access sa lahat ng GCash features.
Para i-update ang GCrypto account information mo,, siguraduhin muna na ang GCash profile mo ay up to date. Pwede mong baguhin ang details tulad ng name, email address, birthday, birthplace, nationality, address, at income source direkta sa GCash profile mo.
Paano i-update ang GCash Profile:
- Buksan ang GCash app
- Pumunta sa Profile at i-tap ang pangalan mo
- Pindutin ang Update Account Information > Update Your Profile
- Ilagay ang 6-digit authentication code na sinend sa GCash-registered number mo at i-tap ang Next
- Kumpletuhin ang verification process at i-fill out ang necessary fields
Magiging updated ang profile mo sa loob ng 3 araw, at matatanggap mo ang SMS confirmation sa registered mobile number mo.
Kapag updated na ang GCash profile mo, click here to ask for help para baguhin ang GCrypto account information mo.
Kung gusto mong palitan ang mobile number mo, siguraduhin na Fully Verified na ang bago mong number, then click here to ask for help. Huwag kalimutan ilagay ang iyong GCash-registered email para makatanggap ng updates. Hintayin ang pag-contact sayo ng GCash customer service representative sa loob ng 24 oras.
Need more Help?
Para sa karagdagang impormasyon, tignan ang mga sumusunod na articles: