Pwede ba akong maglipat ng stockholdings sa ibang Philippine stock brokerage firm sa GStocks PH?
Pwede mong ilipat ang stockholdings mo sa ibang Philippine stock brokerage firm sa pamamagitan ng mga sumusunod na steps:
- Punan ang Letter to Transfer from Broker to Broker form at ilagay ang instructions mo para ilipat ang stockholdings mo sa ABCSI.
- I-email ang request kasama ang filled-out transfer letter sa gcashcs@ABCapital.com.ph
Ipaalam sa ABCSI ang transfer sa pamamagitan ng pagbibigay ng kopya ng request mo. Sila ang makikipag-coordinate sa kasalukuyan mong stockbroker para sa transfer.
Kung ang stockholdings mo ay naka-“street name” (hal. naka-lodge sa Philippine Depository and Trust Corporation o PDTC), electronically ang magiging process ng transfer.
Need more Help?
Para sa karagdagang impormasyon, tignan ang mga sumusunod na articles: