Hindi ako makapag-buy o sell sa GStocks PH. Anong dapat kong gawin?
Kung hindi ka makapag-place ng buy o sell order sa GStocks PH, posibleng dahil ito sa isa sa mga sumusunod:
- Ang minimum quantity shares na kailangan bilhin ay hindi naabot: Siguraduhing ang dami ng shares na bibilhin o ibebenta ay sumusunod sa required multiple ng partikular na stock.
- Hindi nag-reflect ang order mo dahil ginawa ito nang lagpas na sa PSE trading hours: Ang PSE trading hours ay mula 9:30 am to 12:00 pm at 1:00 pm to 2:45 pm Philippine Standard Time (GMT+08:00), mula Monday to Friday (maliban sa holidays)
- Lumagpas na ang top-up limit: Ang Basic GStocks PH account ay may maximum top-up limit na PHP 50,000, habang ang Full GStocks PH account ay walang top-up limit.
- Ang GStocks PH account mo ay hindi active: Inactive ito at walang activity sa cash at stocks sa loob ng 12 buwan
- May scheduled system maintenance sa GCash o sa partner nito: Tignan kung may announcement tungkol sa ongoing maintenance sa GCash o ang mga partners nito.
Kung hindi ka pa rin makapag-place ng buy o sell order sa GStocks PH, click here to ask for help. Huwag kalimutan ilagay ang iyong GCash-registered email para makatanggap ng updates. Hintayin ang pag-contact sayo ng GCash customer service representative sa loob ng 24 oras.
Need more Help?
Para sa karagdagang impormasyon, tignan ang mga sumusunod na articles: