Hindi ko mabuksan ang GStocks PH account ko. Anong dapat kong gawin?
Advisory:
Magkakaroon ng update ang GStocks PH platform. Dahil dito, pansamantalang hindi magiging available ang GStocks PH tuwing off-market hours sa June 27-29, 2025.
FAQs tungkol sa GStocks PH Upgrade
Ano ang mga bagong features ng GStocks PH update?
✅ Faster registration and Approval: Pwede ka nang mag-sign up at ma-approve agad, real-time!
✅ Real-time Top-ups: Instant na papasok ang funds mo sa trading wallet.
✅ Instant Withdrawal: Pwede mong makuha agad ang available trading funds sa GCash wallet mo.
✅ Stronger Data Security and Transparency: Ang iyong data ay securely shared sa GCash, AB Capital Securities, Software Farm Inc., at InvestaTrade, ayon sa batas ng data privacy sa Pilipinas.
Ano ang kailangan kong gawin para mapasama sa update?
Walang kailangan gawin, unless gusto mong basahin ang bagong agreements.
Maaapektuhan ba nito ang current GStocks PH stocks or balances ko?
Hindi magbabago ang mga laman ng portfolio at balance mo.
May pending registration ako sa GStocks PH. Maaapektuhan ba ito ng update?
Possible na magkakaroon ng kaunting delay sa application mo. Inaayos namin na magamit mo ang upgraded GStocks PH kapag na-approve ka. Wag mag-alala, magpapadala kami ng update via SMS. Makakatanggap ka din ng email notification mula sa AB Capital kapag na-approve or na-reject ang application mo.
May pending top up o withdrawal ako sa GStocks PH. Maaapektuhan ba ito?
Kapag pending pa rin ang top up o withdrawal mo by June 27, mababalik sayo ang transaction within 7 working days after matapos ang update.
Pwede ba akong mag-withdraw ng GStocks PH balance ko habang may maintenance?
Hindi muna makaka-withdraw ng balance habang ongoing ang maintenance. Pwedeng mag-withdraw in real time pagkatapos ng updates. Wag mag-alala, during off-market hours ang maintenance para hindi makaabala sa paggamit niyo ng GStocks PH.
Sino ang may access sa data ko sa bagong platform?
Ang mga trusted partner institutions lang namin na nakalista sa taas, at sumusunod sila sa Philippine data privacy rules. Para sa dagdag na info, bisitahin ang link na ito.
Saan ko mababasa ang updated agreements?
Makikita niyo ang mga updated agreements sa baba:
- AB Capital Securities, Inc. Data Sharing Agreement
- Client Service & Risk Disclosure Agreement
- GStocks PH Consent Form
Pwede ba akong mag-opt out sa data sharing?
Pwede mong piliin na hindi mag-share ng data. Pero, kailangan ng data sharing para magpatuloy sa magamit ng GStocks PH. Kung hindi ka komportableng mag-share ng data at hindi ka sang-ayon sa bagong terms, pwede kang tumigil sa paggamit ng service o i-close ang GStocks PH account mo anytime.
Meron pang issue?
Kung may nakita kang 'sign on failed' o white screen habang nagba-buy or sell sa GStocks PH, posible na dahil ito sa mga sumusunod:
- Inactive ang GStocks PH account mo: Mag top-up ka lang sa trading wallet mo para makabalik ka na ulit sa buy/sell ng stocks
- Technical Issues: Kung makaranas ka ng technical error habang sa application process, tulad ng problema sa pagpasok ng OTP (One-Time-Pin), siguraduhing tama at updated ang account details mo.
- System Maintenance o Errors: Kung may nakikita na "Something went wrong" o "System Maintenance" error, posibleng dahil ito sa system downtime.
-
Ang GStocks PH account mo ay sinara:
- Hindi ito active ito at walang activity sa cash at stock positions sa loob ng 12 buwan
- Nag-request ang owner o surviving parties (kung namatay na ang owner) na isara ito
- Nag-decide ang ABCSI na isara ito dahil sa suspected fraudulent behavior
Kung hindi pa rin ma-access ang GStocks PH at nakakaranas ka ng error message, click here to ask for help. Huwag kalimutan ilagay ang iyong GCash-registered email para makatanggap ng updates. Hintayin ang pag-contact sayo ng GCash customer service representative sa loob ng 1-2 business days.
Pwede ding mag-email sa ABCSI at gcashcs@ABCapital.com.ph para sa karagdagang impormasyon sa account.
Need more Help?
Para sa karagdagang impormasyon, tignan ang mga sumusunod na articles:
- Nag-top up ako sa GStocks PH Wallet ko pero hindi pa ito nag-reflect. Anong dapat kong gawin?
- Hindi ako makapag-buy o sell sa GStocks PH. Anong dapat kong gawin?
- Hindi pa nag-reflect ang Buy Order ko sa GStocks PH account ko. Anong dapat kong gawin?
- Hindi pa nag-reflect ang Sell Order ko sa GStocks PH Wallet ko. Anong dapat kong gawin?