Paano magbenta ng PH stocks sa GStocks PH?
Bago magbenta ng stocks, i-check muna ang available stocks sa Portfolio mo.
Limit Order | Pwede kang gumawa ng Limit Order kapag gusto mong maglagay ng maximum o minimum na presyo kung saan ka handang bumili o magbenta ng stock. |
Day Order | Ang Buy o Sell Orders via GStocks PH ay mga Day Orders, ibig sabihin, kung hindi ito nag-match o napuno sa loob ng trading session of the day, magiging expired ito. Ang ibang klase ng orders (tulad ng GTC, GTM, GTW) ay magiging available rin in the future. |
Limit Day Order |
May na-set kang fixed buy o sell price kapag gumawa ka ng order, at magiging expired ang orders mo sa pagtatapos ng araw. Paalala: Ito lang ang available na order type sa ngayon. |
PSE Trading Hours | Ang PSE trading hours ay mula 9:30 am hanggang 12:00 pm at 1:00 pm hanggang 2:45 pm Philippine Standard Time (GMT+08:00), mula Monday hanggang Friday (hindi kasama ang holidays). |
Paano magbenta ng PH stocks sa GStocks PH
Para makapagbenta ng PH stocks gamit ang GStocks PH, sundan ang mga steps sa ibaba:
- Sa GStocks PH dashboard, i-tap ang AB Capital Securities Inc.
- Pindutin ang Buy/Sell
- I-tap ang Portfolio at piliin ang stock na gustong ibenta at i-tap ang Sell
- Ilagay ang gustong dami ng shares at piliin ang Preview Order
- I-confirm ang order details at i-tap ang Place Order
Pwede mo i-confirm ang status ng sell order via the “Orders” page.
Ang mga orders na pinasok nang electronically ay posted in real-time. Pero may ilang factors na pwedeng makaapekto sa pagproseso ng orders mo:
- Market Changes at Trading Volume: Posibleng magbago nang malaki ang stock prices mula sa quoted price dahil sa paggalaw ng merkado o mataas na dami ng trading.
- Internet Service Provider (ISP): Gumagamit ang ABCSI ng isang trusted third-party ISP para sa internet service. Kahit hindi kontrolado ng GCash ang bilis ng internet, ang ISP ay maaasahan at secure.
- Iba pang System Issues: Pwedeng magkaroon ng delay dahil sa mataas na trading activity o mahabang pila ng orders sa PSE.
Kapag confirmed na ang buy order mo, makikita mo ito sa “Portfolio” page.
Need more Help?
Para sa karagdagang impormasyon, tignan ang mga sumusunod na articles: