Paano i-upgrade ang Basic GStocks PH account sa Full GStocks PH account?
Pwede ka lang magbukas ng Basic o Full GStocks PH account gamit ang GCash number mo. Walang minimum deposit amount na kailangan para makapagbukas ng account.
Ang Basic GStocks PH account ay may maximum top-up limit na PHP 50,000, habang ang Full GStocks PH account ay walang limit sa top-up amount.
Paano magbukas ng Basic GStocks PH account
Para mag-sign up sa Basic GStocks PH account, sundan ang mga steps dito:
- Sa GCash app, pindutin ang GInvest > GStocks PH > AB Capital Securities, Inc.
- I-review o i-update ang basic user information
- Kumpletuhin lahat ng details at i-attach ang picture mo na may three (3) specimen signatures
- Basahin at i-accept ang lahat ng agreements at consent forms mula sa ABSCI > Submit
Para i-upgrade ang Basic GStocks PH account sa Full GStocks PH account, i-tap ang Upgrade Now sa GStocks PH dashboard at sundan ang registration process.
Paano magbukas ng Full GStocks PH account
Para mag-sign up sa Full GStocks PH account, sundan ang mga steps dito:
- Sa GCash app, i-tap ang GInvest > GStocks PH > AB Capital Securities, Inc.
- Pindutin ang Get Started > AB Capital Securities Inc.
- Piliin ang Full Account > Let’s Get Started
- I-review ang current information at i-upload ang signature. Piliin ang Next
- Kumpletuhin lahat ng required information at i-tap ang Next
- Sagutan ang mga tanong para malaman ang investor profile mo Pindutin ang Next
- I-review lahat ng information at mag-agree sa mga terms and conditions. Pindutin ang Submit
Pagkatapos i-submit ang application, mapupunta ka sa page para i-confirm na successful ang application mo para sa GStocks PH account.
Hintayin ang pag-contact sayo ng ABCSI sa loob ng 24 oras. Posibleng tumagal ng hanggang 7 business days ang pag process ng application, depende sa pag-review ng mga sinubmit na documents.
Need more Help?
Para sa karagdagang impormasyon, tignan ang mga sumusunod na articles: