Pwede ba akong mag-cancel ng GGives loan ko?
Pwede kang mag-request ng cancellation o refund para sa GGives loan mo KUNG:
- Ayon sa merchant’s refund or cancellation policy, pwede kang mag-refund o magbalik ng binili mong item/s
- Nakapag-initiate ka ng request bago ang GGives loan due date at sa loob ito ng 30 calendar days mula sa date ng transaction mo
- 100% ng transaction amount ang para sa cancellation
Para mag-cancel ng GGives loan, ito ang pwede mong gawin:
- Kausapin ang partner merchant para sa refund/GGives payment cancellation request mo
- Kapag settled na ang lahat sa merchant, pwede nilang i-contact ang GCash sa dedicated support channels na binigay sa kanila
Kung lumagpas sa 30 calendar days mula sa transaction ang loan cancellation request o partial refund lang ang request mo, ang amount ng refund (equal sa loan amount mo) ay mabibilang na advance payment sa GGives loan mo. Makukuha mo ang anumang sobrang amount sa natitirang loan sa GCash wallet mo.
Need more Help?
Para sa karagdagang impormasyon, tignan ang mga sumusunod na articles: