Paano mag-schedule ng automatic investments sa GFunds?
Ang Auto-Invest ng GFunds ay isang feature para mapadali ang pag-invest mo. Pwede kang mag-schedule ng weekly o monthly investments at mag-set ng specific amount gamit ito para hindi mo na ito kailangan gawin manually.
Paano Gamitin ang GFunds Auto-Invest
- Sa GFunds dashboard mo, i-tap ang Set Schedule
- Piliin ang fund na gusto mo
- Ilagay ang investment details na kailangan, at i-tap ang Next
- I-review ang investment details at i-tap ang Set Schedule
Lalabas ang confirmation page na magsasabing naka-schedule na ang investment mo.
Paalala: Ang scheduled investments ay processed every 11 PM, except for holidays. Kapag holiday, ang processing nito ay sa susunod na business day. Siguraduhing may sapat na laman ang GCash Wallet. Kapag kulang ang funds mo, hindi matutuloy ang transaction at susubukan ulit sa susunod na schedule.
Need more Help?
Para sa karagdagang impormasyon, tignan ang mga sumusunod na articles: