Paano magbenta/mag-withdraw ng funds sa GFunds?
Pwedeng gawing cash ang investment units at malagay sa GCash wallet sa pamamagitan ng pagbebenta ng funds sa GFunds. Mayroong processing time ang Sell orders, kaya hindi agad ang pag-credit ng pera sa wallet. Ang presyo ng fund, na tinatawag na Net Asset Value Per Unit (NAVPU), ay updated araw-araw at hindi real-time.
Kasama na sa lahat ng sell orders ang applicable taxes.
Paano magbenta ng funds sa GFunds:
- Sa GFunds dashboard, i-tap ang Invest > My Funds
- Piliin ang fund na gustong ibenta at i-tap ang Sell
- Ilagay kung ilang units ang gustong ibenta. I-tap ang Next
- I-review ang transaction details at i-tap ang Confirm
Makikita mo ang confirmation page bilang patunay na submitted na ang Sell order.
Tignan ang mga processing time ng funds:
Fund | Allocation Date (Confirmation) | Crediting Date (Order Completion) |
Philippine Stock Index Fund | 3 Business Days | 6 Business Days |
ATRAM Peso Money Market Fund | 3 Business Days | 4 Business Days |
ATRAM Total Return Peso Bond Fund | 4 Business Days | 5 Business Days |
ATRAM Philippine Equity Smart Index Fund | 4 Business Days | 6 Business Days |
ATRAM Philippine Sustainable Development and Growth Fund | 4 Business Days | 6 Business Days |
ALFM Global Multi-Asset Income Fund | 4 Business Days | 8 Business Days |
ATRAM Global Technology Feeder Fund | 5 Business Days | 8 Business Days |
ATRAM Global Consumer Trends Feeder Fund | 5 Business Days | 8 Business Days |
ATRAM Global Equity Opportunity Fund | 5 Business Days | 8 Business Days |
ATRAM Global Health Care Fund | 5 Business Days | 8 Business Days |
ATRAM Global Infra Equity Fund | 5 Business Days | 8 Business Days |
Manulife Global Preferred Income Feeder Fund | 3 Business Days | 8 Business Days |
Manulife Global Reit Feeder Fund | 3 Business Days | 8 Business Days |
Manulife APAC REIT Fund of Funds | 3 Business Days | 8 Business Days |
Manulife Asia Dynamic Bond Feeder Fund | 3 Business Days | 8 Business Days |
Need more Help?
Para sa karagdagang impormasyon, tignan ang mga sumusunod na articles: