Pwede ba akong mag-apply para sa GGives?
Ang GGives ay limited-time offer para sa mga select GCash users, kung saan pwedeng bumili sa partner merchants at magbayad in installments, kahit walang laman ang GCash wallet. Ang GGives offer ay dumadaan sa evaluation at hindi guaranteed.
Paano maging qualified para sa GGives
Pwedeng maging qualified ka sa GGives kung ikaw ay:
- 21-65 years old
- Filipino Citizen
- Fully Verified GCash user
- Gumagamit ng GCash services
Paalala:
Hindi available ang GLoan, GGives, at GCredit para sa GCash Overseas users na may international number. Para lang muna sa mga gumagamit ng Philippine mobile number ang mga lending products na ito.
Paano malaman kung qualified ka para sa GGives
Sa GCash homepage, i-tap ang Borrow > GGives. Kung qualified ka, makikita mo ang credit limit na available sa iyo. Kung hindi ka naman qualified, makikita mo ang ilang mga tips para ma-unlock ito.
Kung hindi qualified para sa GGives
Makikita mo ang screen na ito kapag pinindot mo ang Borrow > GGives sa GCash homepage.
Para ma-unlock ang GGives, gamitin lagi ang GCash features katulad ng Bills, Buy Load, Cash In, Send Money, GInsure, at GInvest. Kada linggo ang evaluation na ginagawa ng GCash, kaya posible kang mag-qualify sa GGives sa susunod na linggo.
Paalala: Kapag naging qualified ka sa GGives, makakatanggap ka ng SMS mula sa GCash.
Ano ang requirements para magamit ang GGives?
Kung qualified ka sa GGives, makakatanggap ka ng SMS. Kapag pinindot mo ang Borrow > GGives sa GCash homepage, makikita mo ang screen na ito.
Pindutin ang Activate Now para masimulan ang paggamit ng GGives.
Sundan ang mga sumusunod para simulan ang paggamit ng GGives:
- Sa GCash app, i-tap ang Borrow > GGives
- Piliin ang Activate Now at i-tap ang Next
- Tignan ang personal information mo at kumpletuhin ang lahat ng additional details
- Pindutin ang Next
- Ilagay ang 6-digit authentication code na ipinadala sa registered mobile number mo > Submit
Mapupunta ka sa page para i-confirm na activated na ang GGives mo.
Kapag naka-activate na ang GGives, makakatanggap ka ng confirmation sa SMS at sa registered GCash email address mo.
Need more Help?
Para sa karagdagang impormasyon, tignan ang mga sumusunod na articles: