May ibang GCash account na gumagamit ng number ko. Anong dapat kong gawin?
Kung sinusubukan mong gumawa ng GCash account pero sinasabing nagamit na ang number mo, ibig sabihin ay nagamit na ang SIM card dati, o may ibang tao na gumawa ng GCash account gamit ang number na ito.
Para ituloy ang paggawa ng GCash account, click here to ask for help, at ibigay ang mga sumusunod na details:
- Telco network
- Kailan nabili ang SIM
- Prepaid or postpaid status:
Prepaid subscriber: Mag-attach ng screenshot ng phone settings na
nagpapakita ng number mo o isang photo ng SIM bed.
Postpaid subscriber: Mag-attach ng statement of account mula sa
iyong service provider.
Huwag kalimutan ilagay ang iyong GCash-registered email para makatanggap ng updates. Kapag na-submit na ang ticket, hintayin ang pag-contact sayo ng GCash customer service representative sa loob ng 24 oras.
Need more Help?
Para sa karagdagang impormasyon, tignan ang mga sumusunod na articles:
- Gusto kong palitan ang mobile number na naka-link sa GCash account ko gamit ang Account Recovery
- May unknown phone number na naka konekta sa GCash account ko. Anong dapat kong gawin?
- SIM Card Registration Frequently Asked Questions
- Hindi ako makagawa o makapag-register ng GCash account. Anong dapat kong gawin?