Hindi ako makagawa o makapag-register ng GCash account. Anong dapat kong gawin?
Kung hindi ka makagawa o makapag-register ng GCash account, posibleng dahil ito sa mga sumusunod:
-
Hindi tinatanggap ang Selfie Scan
Ang selfie mo ay hindi malinaw. Ito ang pwede mong gawin:
- Make sure na malinaw at hindi blurred ang iyong selfie.
- Magsuot ng tamang kasuotan at iwasang magsuot ng mask o salamin.
-
Maling email address
Posibleng mali ang email address na nilagay mo o wala ito sa tamang format. Para makatanggap ka ng importanteng updates mula sa GCash, siguraduhing tama at valid ang iyong email address. -
Account limit reached
Naabot mo na ang maximum na limit ng GCash accounts na pwedeng i-register. Tandaan na hanggang limang (5) GCash accounts o mobile numbers lang ang pwedeng i-register sa iyong pangalan.
-
Ang mobile number mo ay may existing GCash account
Kung gumagawa ka ng GCash account pero hinihingan ka ng MPIN, ibig sabihin ay may existing GCash account na naka-link sa number mo.
Para ituloy ang paggawa ng bagong account, click here to ask for help. Huwag kalimutan ilagay ang iyong GCash-registered email para makatanggap ng updates. Hintayin ang pag contact sayo ng GCash customer service representative sa loob ng 24 oras.
-
May issues sa GCash app
Para maayos ang issues sa GCash app, subukang sundin ang troubleshooting steps na ito. Kung hindi pa rin gumana at hindi ka pa rin makagawa ng GCash account, click here to ask for help. Huwag kalimutan ilagay ang iyong GCash-registered email para makatanggap ng updates. Kapag na-submit na, hintayin ang pag-contact sayo ng GCash customer service representative sa loob ng 24 oras. -
“Something went wrong” error
Kung lumabas ang error message na ito “Something went wrong” sa registration, posiblengdahil ito sa mga sumusunod:
- Invalid name or details. Ang pangalan o details na nilagay mo ay posibleng mali. Siguraduhin na match ito sa valid ID.
- Hindi pumasa sa GCash validation process. Ang registration mo ay kailangang sumunod sa requirements ng GCash Terms and Conditions at Philippine laws and regulations. Kung hindi pumasa, hindi namin maipagpapatuloy ang application mo. Para sa karagdagang impormasyon, basahin ang GCash Terms and Conditions.
Need more Help?
Para sa karagdagang impormasyon, tignan ang mga sumusunod na articles: