Hindi pa rin verified ang GCash account ko pagkatapos ng 3 araw. Anong dapat kong gawin?
Pagkatapos mo mag-apply ng verification, aabot ng hanggang 3 araw para i-review ang iyong application. Makakatanggap ka ng SMS update pagkatapos ng 3 araw.
Kung matagal ang verification mo, ito ang mga pwede mong gawin para malaman kung bakit na-delay at paano ayusin ang mga pending na GCash verification issues.
Pumunta sa GCash app at i-tap ang Profile > Verify Now at tingnan kung ano ang nakikita mo sa verification page.
- Hindi pa nasisimulan ang verification process
- Hindi mo natapos ang pinakahuli mong verification attempt
- Natapos mo ang proseso, pero na-reject ang pinakahuli mong application
Para magpatuloy, i-tap ang Verify Now sa baba ng screen para simulan o ipagpatuloy ang verification process. Dapat makatanggap ka ng SMS update sa iyong verification pagkalipas ng 3 araw.
Ibig sabihin nito ay may mga documents pa na kailangan mula sa iyo para mapagpatuloy ang application mo. I-tap ang “Continue Verification” para malaman kung anu-ano ang mga documents na ito at i-submit ito sa loob ng 10 araw para makumpleto ang verification.
Pagkatapos mong i-submit ang mga additional documents, makakatanggap ka ng SMS update mula sa amin sa loob ng 4 araw. Tandaan na kailangan mong simulan muli ang verification process kung hindi mo kayang i-submit ang hinihinging documents sa loob ng 10 araw.
Ibig sabihin nito ay natanggap na ang application at tinitignan pa ito. Posible itong umabot ng hanggang 3 araw.
Kung lumagpas na sa 3 araw at wala pang natanggap na update, click here para mag-follow up sa verification status. Siguraduhin na may screenshot ng iyong verification page at ilagay ito kapag nag-submit ka ng ticket para mas mapadali ang proseso. Huwag kalimutan ilagay ang iyong GCash-registered email para makatanggap ng updates. Hintayin ang pag-contact sayo ng GCash customer service representative sa loob ng 24 oras.
Need more Help?
Para sa karagdagang impormasyon, tignan ang mga sumusunod na articles: