Hindi ako makapag-withdraw gamit ang GCash Card. Anong dapat kong gawin?
Kung hindi makapag-withdraw gamit ang GCash Card, sundan ang mga steps na ito:
- I-check kung ang GCash Card ay maayos na naka-link sa account
- I-confirm kung may sufficient funds para sa withdrawal amount at mga applicable ATM fees
- I-verify kung hindi pa expired ang card. Makikita mo ang expiration date sa likod ng card, na may format ng MM/YY.
- Siguraduhin na tama ang 6-digit Card PIN (iba ito sa GCash app MPIN)
- I-check kung may error messages o notifications sa ATM screen. Kung magpapatuloy ang issue, subukang mag-withdraw sa ibang ATM, mas mainam kung sa ibang bank.
Kung hindi makapag-withdraw ng pera gamit ang GCash Card, click here to ask for help. Huwag kalimutan ilagay ang iyong GCash-registered email para makatanggap ng updates. Hintayin ang pag-contact sayo ng GCash customer service representative sa loob ng 24 oras.
Need more Help?
Para sa karagdagang impormasyon, tignan ang mga sumusunod na articles:
- Paano mag-withdraw ng cash gamit ang GCash VISA/Mastercard Card ko?
- Paano mag-link ng GCash Card sa GCash account?
- Magkano ang fees at transaction limits para sa GCash Card?
- Na-stuck ang GCash Card ko sa ATM. Anong dapat kong gawin?
- Hindi naglabas ng pera ang ATM pagkatapos kong mag-withdraw gamit ang GCash Card