Hindi ako makapag-order ng GCash Card. Anong dapat kong gawin?
Kapag nakaranas ng error message sa pag-submit ng order o kung hindi ma-click ang Card Order button, posibleng dahil ito sa mga certain restrictions:
- Fully Verified GCash users lang ang pwede umorder – Siguraduhin na fully verified ang GCash account. Hindi ka makakapag-request ng card kung hindi verified ang account mo.
- Isang card kada account – Isang GCash Card lang ang pwede sa isang GCash account. Kung naka-order ka na, hindi ka makakapag-request ulit ng isa pa. Kung nawala ang card at kailangan ng replacement, i-deactivate muna ang card.
Kung hindi applicable ang mga ito sayo, subukan ang mga sumusunod para mag-troubleshoot:
- I-check ang internet connection – Siguraduhin na may stable internet connection
- I-restart ang GCash app – I-close at reopen ang GCash app
- Mag-submit ng card order ulit – Subukan na i-submit ulit ang card order application
Need more Help?
Para sa karagdagang impormasyon, tignan ang mga sumusunod na articles: