Paano umorder ng GCash VISA Card?
Available lang ang GCash Card sa mga Fully Verified GCash users. Isang GCash Card lang ang pwede bawat user, at ang total cost ay PHP 250 (PHP 185 para sa card at PHP 65 para sa shipping) na para lang mismo sa GCash VISA Card at hindi papasok sa account bilang funds.
Steps para Umorder ng GCash Card:
- Sa GCash homepage, i-tap ang Cards > Order a GCash Card
- Piliin ang Order a card > Send me a Card
- I-review ang account information, at i-tap ang Next
- Kumpletuhin ang lahat ng required information, at pindutin ang Next
- I-tap ang Pay para makumpleto ang order
- Kapag confirmed na ang order, makakakita ka ng prompt na successful ang pag-order mo ng GCash Card.
Paalala bago umorder:
- Ang GCash Card ay isang prepaid card na naka-link sa GCash wallet.
- Ipapadala ang GCash Card sa binigay na address, kaya siguraduhin na tama ang mga details. Ito ang list ng serviceable areas para sa GCash Card delivery.
- Madedeliver ang GCash card mo sa loob ng 4-10 business days, at makakatanggap ng SMS updates tungkol sa delivery status nito.
- Ikaw o ang nominated recipient mo lang ang pwedeng tumanggap ng GCash Card upon delivery. Kung hindi mo ito matatanggap personally, magbigay ng letter of authorization kasama ang photocopy ng ID at ang ID ng nominated recipient mo.
- Kung hindi ka available at wala din ang nominated recipient mo para tanggapin ang GCash Card, hindi pwedeng i-deliver ng courier ang card mo.
Mga Paalala:
- May mga users na eligible para sa voucher para makuha ang GCash Card ng FREE o may discount.
- Para sa mga GCash Jr. accounts, responsible ang parent o legal guardian mo sa pag-manage ng account at wallet.
Need more Help?
Para sa karagdagang impormasyon, tignan ang mga sumusunod na articles: