Nagbayad ako ng bills sa GCash pero mali ang nalagay kong details. Anong dapat kong gawin?
I-save ang favorite billers para maiwasan ang paglagay ng maling details kapag nagbabayad ng bills.
Kung maling number o biller ang nalagay:
- Check Payment Confirmation – I-review ang SMS confirmation, GCash transaction history, at GCash App inbox para i-verify ang details.
- Check GCash Wallet – Tignan kung nabawasan ang GCash wallet. Posibleng i-reject ng ibang billers ang payments kapag mali ang details.
- Mag-monitor ng refund – Kung hindi nag-match ang details, posibleng i-refund ng ibang billers ang payment. Tignan ang GCash wallet para sa automatic refund sa loob ng 1-3 business days.
- I-contact ang biller – Kausapin ang biller kung pwede ka makakuha ng refund.
Kung mali yung biller details o amount na nilagay mo at hindi ka nakatanggap ng refund kahit tapos na yung posting period, pumunta sa GCash Transaction History at piliin yung specific Bills transaction.
I-tap ang Need Help? > I entered the wrong details para makapag-file ng ticket.
Paalala: Hindi guaranteed ang refund — naka-depende pa rin ito sa approval ng biller.
Need more Help?
Para sa karagdagang impormasyon, tignan ang mga sumusunod na articles:
- Paano mag-follow up ng GCash ticket?
- Hindi ko ma-save ang scheduled bills o favorite billers ko. Anong dapat kong gawin?
- Hindi na-post o hindi na-confirm ng biller ang GCash bill payment ko. Anong dapat kong gawin?
- Maraming beses akong na-charge para sa bills payment ko. Anong dapat kong gawin?
- Hindi ko mabayaran ang bills ko gamit ang GCash. Anong dapat kong gawin?