Hindi na-post o hindi na-confirm ng biller ang GCash bill payment ko. Anong dapat kong gawin?
Kapag nagbabayad ka ng bills gamit ang GCash, tandaan mo yung processing date at posting period.
Processing Date:
Ito yung araw na kinukuha yung pera mula sa GCash wallet mo.Kapag na-process na ang bayad mo, makikita mo ito sa GCash App Inbox o sa Transaction History bilang confirmation. Pero kung hindi nabawasan ang laman ng GCash mo pagkatapos mong magbayad, ibig sabihin hindi na-process yung payment.
Posting Period:
Ito naman yung time na officially nare-record ng biller ang payment mo.
Depende sa biller, pwedeng ilang oras o ilang araw bago mag-reflect yung bayad sa system nila.
Makikita mo kung gaano katagal ang posting period ng biller mo sa taas ng payment page.
Ito ang example ng processing at posting date:
Example 1:
Biller: Meralco
Posting Date: Sa loob ng 24 oras
Kung nagbayad ka ng Meralco bill on February 12, 2025 (Processing Date), magiging posted ang payment by February 13, 2025 (Posting Date).
Ito ang ilan sa billers at ang kanilang posting dates:
Biller | Posting Date |
Meralco | Within 24 hours |
Home Credit | Within 24 hours |
Auto Sweep RFID | Posted in real-time |
Kung sa tingin mo hindi pa rin na-post yung bayad mo kahit tapos na yung posting period, pumunta sa Transaction History ng GCash at i-select yung Bills transaction mo.
I-tap yung Need Help? > My payment hasn’t been posted para makapag-file ng ticket.
Need more Help?
Para sa karagdagang impormasyon, tignan ang mga sumusunod na articles:
- Nagbayad ako ng bills sa GCash pero mali ang nalagay kong details. Anong dapat kong gawin?
- Maraming beses akong na-charge para sa bills payment ko. Anong dapat kong gawin?
- Hindi pa rin naka-post ang bayad ko sa bills kahit ilang araw na ang lumipas matapos ang posting period.
- Paano magbayad ng bills gamit ang GCash?
- Magkano ang transaction fee para sa bills payment sa GCash?