Maraming beses akong na-charge nung bumili ako ng load sa GCash. Anong dapat kong gawin?
Posibleng na-charge ka nang maraming beses para sa telco o non-telco load mo dahil sa system downtime o dahil aksidente mong nabili ito more than once.
Kung may system downtime
Matatanggap ang refund sa GCash wallet sa loob ng 2 business days. Makakatanggap ka rin ng SMS tungkol dito.
Kung aksidente kang nakagawa ng multiple purchases
Kung nakumpleto ang purchase, hindi na pwedeng i-refund ng GCash ang transaction.
Paalala bago bumili ng load
- I-check muna ang GCash wallet balance
- Maghintay ng hanggang 5 minuto para maproseso ang Buy Load transaction
- Siguraduhin na meron kang stable internet connection bago bumili
- I-review ang GCash transaction history
Need more Help?
Para sa karagdagang impormasyon, tignan ang mga sumusunod na articles: