Paano mag-schedule ng bank transfer sa GCash?
Pwede kang mag-schedule ng hanggang 5 automatic bank transfers na pwedeng ulitin weekly o monthly, kahit sa holidays at weekends. Siguraduhin na may sapat na laman ang wallet mo para masigurado na successful ang magiging transfers.
Mag-schedule ng Bank Transfer
- Sa GCash app mo, i-tap ang Transfer > Local > at pumili ng saved bank account
- Piliin ang Add New Schedule
- Ilagay ang frequency at amount
- Para magdagdag ng mga schedules, i-tap ang + Add New Schedule
- Pagkatapos mo mag-set up, i-tap ang Next
- I-review ang account details at schedule, at i-tap ang Confirm
Kung walang sapat na funds ang wallet mo, hindi matutuloy ang scheduled bank transfer mo sa date na iyon. Tuloy naman ang pag-process ng mga susunod na scheduled transfers sa kanilang scheduled dates.
Kung ang transfer date mo ay irregular (katulad ng 31st, 30th, o pag leap year), sa huling araw ng buwan ang pag-process nito.
Mag-cancel ng Scheduled Bank Transfer
- Sa GCash app mo, i-tap ang Bank Transfer > My Saved Account
- Piliin ang bank account na may scheduled transfer ka > Scheduled Transfers
- Pindutin ang Scheduled Transfers > Update Schedules
- Tap “X” > Sa Remove Scheduled Transfer prompt, i-tap ang Remove
Need more Help?
Para sa karagdagang impormasyon, tignan ang mga sumusunod na articles: