Nagpadala ako ng pera galing sa GCash ko papunta sa ibang GCash account, pero hindi daw ito natanggap ng recipient. Anong dapat kong gawin?
Kung nag-Send Money ka sa ibang GCash account gamit ang Express Send, real-time ito. Dapat agad makuha ng recipient ang pera at makakuha ng notification sa kanilang GCash app inbox pag na-confirm na ng sender ang transaction.
Para ma-check kung hindi na-receive yung transaction, tingnan ang mga sumusunod:
1. Tama ba yung mobile number ng recipient na nilagay mo?
I-double check yung mobile number ng pinadalhan mo ng pera.
- Kung mali ang napadalhan, pwede kang mag-reach out sa support team namin sa GCash app > Transaction > I-tap yung Express Send transaction > Need help > I sent money to the wrong number.
- Kung inactive na yung account, pwede mag-file ang recipient ng request na ilipat yung funds sa bago nilang GCash account. Basahin ito to learn more.
2. Nabawasan ba ang GCash wallet balance mo?
Kung walang nabawas, ibig sabihin hindi natuloy ang transaction. Pwede mo ulit subukang mag-Send Money.
3. Na-confirm ba nang transaction?
Kung nagka-error ka habang gamit ang Express Send, pwedeng hindi natuloy ang transaction. Pwede mo ulit subukang mag-send. Para sa info tungkol sa mga error, i-check ang article na ito.
4. Personal mo bang kilala at pinagkakatiwalaan ang recipient?
Kung may duda ka na scam or suspicious yung transaction, katulad ng nag-claim na hindi pa na-receive ang pera pero hindi binibigay ang goods/services, i-check ang article na ito.
Kung na-confirm mo na YES sa lahat ng tanong sa itaas, pero sinasabi pa rin ng recipient na hindi pa daw nila nakuha yung funds, pwede kang lumapit sa support team namin at mag-file ng ticket dito. Makaka-receive ka ng update within 24 hours.
Need more Help?
Para sa karagdagang impormasyon, tignan ang mga sumusunod na articles:
- Nag-transfer ako ng pera mula sa GCash account papunta sa ibang bank o e-wallet pero hindi ito natanggap. Anong dapat kong gawin?
- Hindi ko natanggap ang cash in ko sa GCash wallet. Anong dapat kong gawin?
- Nag-deposit ako sa GSave account ko pero wala pa akong natatanggap sa account ko. Anong dapat kong gawin?
- Paano gamitin ang Send Money para magpadala ng pera sa ibang GCash account?