Hindi ako makapag-Send Money sa ibang GCash account. Anong dapat kong gawin?
Kung may naranasan kang issue noong sinubukan mong magpadala ng pera sa ibang GCash account, ito ang pwede mong gawin base sa error message na nakikita sa app:
Itanong mo sa recipient kung naabot na nila yung wallet o transaction limit nila. Baka ito yung dahilan kaya hindi natutuloy yung transaction
Subukan magpadala ng mas maliit na amount na pasok sa outgoing limit mo. Puwede mong i-check ang iyong profile limit mo pag-login sa GCash app mo Profile > Profile Limits
Ibig sabihin nito ay na-reach na ng recipient ang maximum number of transactions nila sa pagtanggap ng Express Send money.
Ibig sabihin nito na naabot mo na ang maximum number of transactions para mag-send ng Express Send money.
Pwede kang maghintay hanggang sa susunod na buwan para mag-send ulit ng pera. Kapag kailangan mo talagang mag-send agad, subukan mong gamitin ang ibang paraan like Bank Transfer or InstaPay.
Pag nagpadala ka ng pareho amount sa parehong number nang paulit-ulit, maghintay ka ng at least 5 minutes sa pagitan ng transactions para iwasan ang problema.
Pwede mo rin i-check kung successful ang transaction sa pamamagitan ng pag-login sa GCash app mo > Transaction History.
Sundan ang mga sumusunod:
Kung may error tungkol sa internet connection pero maayos naman ang connection mo: Sundin ang mga GCash troubleshooting steps.
Hindi lumalabas yung QR code: I-refresh mo ang app or i-check ang network mo.
"GCash detected an untrusted connection": Magpalit ka ng ibang internet connection.
Hindi daw registered yung number na padadalhan mo ng pera: Siguraduhin mo na active at valid yung GCash number ng recipient...
Subukan mong palitan ang iyong network connection
Kung nagkakaproblema ka sa paggamit ng Express Send, subukang i-reinstall ang GCash app mo at itry ulit.
Na-suspend ang GCash account ng recipient. Subukan mag-transfer ng pera sa ibang GCash users para makita kung magyayari ulit ang error. Pwede ka rin gumamit ng ibang paraan ng pag-transfer tulad ng bank transfer para ma-send ang pera sa recipient.
Kung hindi ka pa rin makapagpadala ng pera sa pamamagitan ng Express Send, click here to ask for help. Piliin ang tamang error message na iyong nakita para maayos namin ang iyong concern ng tama. Hintayin ang pag-contact sayo ng GCash customer service representative sa loob ng 24 oras.
Need more Help?
Para sa karagdagang impormasyon, tignan ang mga sumusunod na articles:
- Hindi ako makapag-cash in sa GCash wallet ko. Anong dapat kong gawin?
- Hindi ako makapag-transfer sa ibang bank gamit ang GCash. Anong dapat kong gawin?
- Nagpadala ako ng pera galing sa GCash ko papunta sa ibang GCash account, pero hindi daw ito natanggap ng recipient. Anong dapat kong gawin?
- Nagpadala ako ng pera sa maling GCash account o number via Express Send. Anong dapat kong gawin?
- Paano gamitin ang Send Money para magpadala ng pera sa ibang GCash account?