Hindi ako makapagbukas ng account sa GSave. Anong dapat kong gawin?
Kung hindi ka makapag-register sa GSave, posibleng dahil ito sa:
- May existing GSave account ka na sa partner bank: Isa lang ang pwede sa bawat partner bank.
- Expired o invalid ang government ID na gamit mo: Pakicheck at i-update sa GCash, tapos ulitin ang verification process.
- Ongoing na maintenance o downtime ang GSave o ang partner bank: Makakatanggap ka ng update via SMS, email, o sa mismong GCash app kung may ganyang issues.
- Unstable internet connection
- Hindi pa fully verified ang GCash account mo: Kailangan mong ma-fully verify bago ka makagawa at gumamit ng GSave.
- Kung GCash Jr. account ang gamit mo: Hindi pa available ang GSave para sa GCash Jr.
Para sa Filipino Citizens na nagtatrabaho sa ibang bansa kung saan available ang GCash
Kung ikaw ay Filipino citizen na nagtatrabaho abroad, pwede kang magbukas ng GSave Overseas CIMB account.
Anong dapat gawin kung hindi makapag register sa GSave
Kung may GSave account kang naka-link sa lumang GCash account, i-contact ang partner bank para i-unlink at i-transfer ang account mo.
Kung hindi ka pa rin makapag-open ng GSave account, kumuha ng screenshot ng error message at click here to ask for help. Huwag kalimutan ilagay ang iyong GCash-registered email para makatanggap ng updates. Hintayin ang pag-contact sayo ng GCash customer service representative sa loob ng 24 oras.
Need more Help?
Para sa karagdagang impormasyon, tignan ang mga sumusunod na articles: