Paano mag-post ng service sa Raket Marketplace?
Ang Gigs by Raket ay isang platform kung saan pwedeng magpakita ng skills ang freelancers at makahanap ng clients. Dito, pwedeng magkaroon ng connection sa individuals at businesses na naghahanap ng writing, design, tech, marketing, at iba pang freelance services.
Paano mag-post ng service sa Raket Marketplace
Kung freelancer ka at gusto mong makahanap ng clients, sundan ang mga steps na ito:
- Sa GCash app, pindutin ang View All Services > Gigs
- Piliin ang Sell a Service > Post your Services Today
- Ilagay ang lahat ng required information at details ng service mo.
Magsasagawa ng review ang Raket team sa service mo sa loob ng 7–10 business days bago ito ma-publish sa platform.
Kung ma-reject ang post mo, i-check ang Raket inbox para sa feedback kung paano ito ayusin at saka ito ipasa ulit.
Paano mag-delete ng service
Kung kailangan mong tanggalin ang isang service sa profile mo, sundan ang mga steps na ito:
- Sa Raket Marketplace homepage, pindutin ang burger-shaped icon
- Piliin ang Services
- Pindutin ang trash bin icon para i-delete ang service
- Piliin ang Yes, Delete
Kapag na-delete na ang service, hindi na ito maibabalik.
Need more Help?
Para sa karagdagang impormasyon, tignan ang mga sumusunod na articles: