Paano maghanap ng freelancers sa Raket Marketplace para sa project ko?
Ang Gigs by Raket ay feature sa Raket Marketplace ng GCash kung saan pwede kang makahanap ng skilled Filipino freelancers para sa project mo. May iba't ibang services dito tulad ng graphic design, writing, encoding, at iba pang specialized tasks.
Paano maghanap o mag-hire ng freelancer sa Raket Marketplace:
- Sa GCash app, pindutin ang View All Services > Gigs
- Hanapin at i-tap ang service na gusto mong i-avail
- Basahin ang details ng service at piliin ang Buy Now
- I-review ang ‘Raket Payment Protection.’ Pindutin ang tick box at piliin ang Buy Now
- I-confirm ang payment at pindutin ang Agree and Pay
- Piliin ang Pay
Mapupunta ka sa confirmation page na nagsasabing successful ang service payment.
Depende sa freelancer ang tagal ng order completion. Pwedeng gamitin ang chatbox para makipag-usap sa freelancer kung may updates o concerns sa project.
Iba pang details tungkol sa payment:
- Tanging GCash ang tinatanggap na payment method.
- Advance ang bayad at naka-hold bilang bond hanggang matapos ang service.
- Mare-release lang ang bayad sa freelancer kapag minarkahang "complete" ng client.
- Kung hindi ito minarkahan ng client sa loob ng 3 araw matapos itong markahan ng freelancer, automatic na mare-release ang bayad.
Paano mag-cancel ng service:
Kung kailangan mong mag-cancel ng service, sundan ang mga steps na ito:
- Sa ‘Raket’ Menu Bar, pindutin ang Projects and Orders
- Piliin ang service na gusto mong i-cancel
- Pindutin ang Cancel Order
Kailangang i-approve ng freelancer ang cancellation request. Kapag na-approve, babalik sa GCash wallet ang refund tuwing Friday, 6:00 PM.
Paalala: Pinapayuhan ang freelancers at clients na subukang ayusin muna ang disputes bago i-contact ang Raket Support.
Need more Help?
Para sa karagdagang impormasyon, tignan ang mga sumusunod na articles: