Nag-cash in ako sa maling GCash account. Anong dapat kong gawin?
Kapag nagkamali ka ng padala ng pera mula sa iyong bank o e-wallet papunta sa maling GCash account, importante na malaman mo na ang pagkuha ng refund ay naka-depende sa policies ng iyong bank o e-wallet provider.
Ang mga steps na puwede mong gawin ay:
- Ihanda ang iyong transaction receipt o confirmation message
- Kontakin agad ang bank o e-wallet provider para humingi ng refund request.
May kaunting katagalan ang processing ng refund sa GCash dahil sa ilang factors sa bank/e-wallet at GCash mismo. Ang sender ng pera sa maling account ay dapat diretsong makipag-contact sa kanilang bank o e-wallet provider.
Kapag nakipag-ugnayan na sila sa kanilang bank o e-wallet at nag-request ng refund, hintayin lang ang update mula sa bank o e-wallet.
Tips para maka Transfer ng pera sa bank/e-wallet
- Siguraduhin mong tama ang mobile number, account number, at pangalan ng padadalhan mo bago mo i-confirm ang transaction.
- Pwede mong gamitin ang Scan/Upload Bank QR feature para ma-scan o ma-upload ang unique QR code ng recipient mo.
Need more Help?
Para sa karagdagang impormasyon, tignan ang mga sumusunod:
- I sent money to the wrong GCash account or number via Express Send. What should I do?
- I think I was scammed. What do I do?
- Someone transferred to my bank using their GCash, but I didn’t receive it.
- I can't transfer money to another bank using GCash. What do I do?
- I transferred money from my GCash account to a bank or other e-wallet, but it was not received. What do I do?