Hindi ko natanggap ang cash in ko sa GCash wallet mula bangko/e-wallet. Anong dapat kong gawin?
Kung nag-cash in ka from a local bank (e.g., BPI, Unionbank, BDO, Metrobank) or e-wallet at hindi dumating yung pera sa GCash account mo, sundin ang mga steps na ito:
- Check GCash Transaction History or App Inbox: Minsan, kailangan ng konting oras bago mag-reflect ang transactions. Tignan ulit maya maya ang GCash Transaction History..
- Verify Mobile Number: Siguraduhin na tama ang mobile number na ginamit mo para mag-cash in or mag-send ng pera. Kung mali, kontakin ang bank para humingi ng refund. Ang GCash ay walang control sa refund decisions ng bank.
- Check Wallet Limits: Kung na-exceed mo na ang GCash wallet limits, pwedeng bumalik yung pera sa bank. https://help.gcash.com/hc/en-us/articles/360021112894-GCash-Wallet-and-Transaction-Limits.
- Check Transaction Status: I-check ang transaction status sa bank/e-wallet app mo.
Kung gumamit ka ng linked bank accounts para mag-cash in through the GCash app:
- Check for Error Messages: Minsan nagkakaroon ng error during the process. Tingnan kung may error messages na hindi mo napansin. Pwede mong i-retry mag-cash in kung wala yung transaction sa Transaction History.
Kung hindi mo pa rin natatanggap ang pera pagkatapos sundin ang lahat ng steps sa taas, click here to ask for help.
Hintayin ang pag-contact sayo ng GCash customer service representative sa loob ng 1-2 business days.
Need more Help?
Para sa karagdagang impormasyon, tignan ang mga sumusunod na articles: