Hindi ko ma-link ang bank ko sa GCash. Anong dapat kong gawin?
Ito ang ilan sa mga dahilan kung bakit ka nakakaranas ng mga issues sa pag-link ng Bank Account mo:
Incorrect Bank Details: Siguraduhin na tama ang nilagay na username, account number at password.
Bank Account Status: I-verify na active at hindi restricted ang bank account mo.
Network Issues: Posibleng makaapekto ang temporary network problems sa proseso ng pag-link. Subukang palitan ang data ng wifi connection.
Bank Maintenance: Ang bank mo ay posibleng under maintenance. Tignan sa bangko kung may ongoing issues.
GCash Account Verification: Siguraduhin na fully verified ang GCash account mo.
Kung nahihirapan ka pa rin i-link ang specific bank mo sa GCash account, pwede mong i-check ang mga steps na pwede mong gawin depende sa Cash-In channel na gamit mo:
BPI/UnionBank
Kung hindi mo ma-link ang BPI o UnionBank account mo sa GCash, subukan ang mga steps na ito:
Invalid na user ID at/o password
- Mag-reset ng password
- Maghintay ng 24 hours
- Mag-log in sa bank mo gamit ang bago mong details
- I-link ulit ang bank account mo sa GCash
Paalala: Magiging locked ang BPI account mo kung magkakaroon ka ng three (3) consecutive failed log-in attempts.
Linked account na may bagong password
Kung naka-link ang bank account mo dati pero nagbago ka ng password, kailangan mong i-link ulit ito.
Disabled na internet browser banking para sa UnionBank
Kung nakakatanggap ka ng mga errors na ito:
- Unable to log in via UnionBank
- You have disabled Internet browser banking
Subukan na i-enable ang browser banking:
- Mag-log in sa UnionBank app
- Pindutin ang More
- I-tap ang Login and Security
- Pindutin ang Browser Banking > Enable Browser Banking
- Mag-log in sa UnionBank ulit
PayPal
Kung hindi mo ma-link ang PayPal account mo sa GCash, tignan kung natapos mo ang mga sumusunod:
- Fully Verified ang GCash account mo
- Philippine-based at verified ang PayPal account mo
- Sa PayPal website ka nag-modify at verify ng name at nag-convert ng currency
- Para sa mga Android devices: dapat naka install ang Google Chrome browser > naka set as default
Payoneer
Kung hindi ka makapag-log in sa Payoneer tuwing sinusubukan mong mag-link ng accounts, ito ang pwede mong gawin:
- Mag-reset ng Payoneer password
- Maghintay ng 24 oras
- Mag-log in sa Payoneer via website gamit ang new credentials mo
- Mag-link ng Payoneer account sa GCash account mo ulit
Kung nagawa mo na ang steps sa itaas pero hindi pa rin ma-link ang Payoneer account sa GCash, pwedeng i-contact ang Payoneer’s Customer Care sa customerservicemanager@payoneer.com para sa assistance.
US Bank
Kung hindi mo ma-link ang US Bank sa GCash, i-check kung:
- Fully Verified ang GCash account mo
- Para sa mga Android devices: dapat naka install ang Google Chrome browser > naka set as default
Para sa karagdagang tulong, click here to ask for help. Huwag kalimutan ilagay ang iyong GCash-registered email para makatanggap ng updates. Hintayin ang pag-contact sayo ng GCash customer service representative sa loob ng 1-2 business days.
Need more Help?
Para sa karagdagang impormasyon, tignan ang mga sumusunod na articles: