Paano mag-claim/mag-receive ng remittance sa GCash?
Pwede kang mag-claim ng remittance sa branch kung saan ito pinadala o sa kanilang website o app.
Paalala bago mag claim ng remittance:
- Mga Fully Verified GCash users lang ang pwede mag-claim ng remittances na galing overseas papunta sa Philippines.
- Siguraduhin na ang gamit ng sender ay ang pangalan na registered sa GCash mo para sa smooth na transaction.
- Mag-claim ng remittance sa loob ng 90 araw para maiwasan ang expiration ng reference number.
Paano mag-claim ng remittance sa GCash:
- Sa GCash homepage pindutin ang Cash In > Global Banks and Partners
- I-type at piliin ang remittance partner sa search bar
- Ilagay ang expected amount, reference number, at purpose ng remittance. Pindutin ang Proceed
- I-review ang details ng remittance at pindutin ang Next
- Ilagay ang 6-digit authentication code na pinadala sa GCash-registered mobile number
Kapag na-confirm na, makakakita ka ng page para ma-confirm ang successful claim. Kung tama ang lahat, madadagdag ang pera sa GCash wallet mo in real time.
Kung 3 beses mo nang maling nailagay yung reference number mo, kailangan mong maghintay ng 24 oras bago ka maka claim ng remittance.
Need more Help?
Para sa karagdagang impormasyon, tignan ang mga sumusunod na articles: