Paano i-manage ang orders sa Ship & Deliver?
Pwedeng mag-cancel o mag-rebook ng orders sa Ship & Deliver. Alamin sa ibaba kung paano ito gawin:
Mag-cancel ng order
Paalala: Pwede mo lang i-cancel ang delivery request bago dumating ang rider sa pick-up point.
Makikita mo ang status ng refund sa tabi ng order number. Kung hindi mo natanggap ang refund sa loob ng 3-5 business days, mag-message sa chat support ng Parcels PH o i-email sila sa help@lastmile.ph.
- Sa Ship and Deliver dashboard, pindutin ang My Orders
- I-tap ang order na gusto mong i-cancel, pindutin ang Cancel Order
- Piliin ang dahilan ng pag-cancel ng order at pindutin ang Proceed
- Mapupunta ka sa page kung saan makikita ang confirmation ng pag-cancel mo ng order
Mag-rebook ng canceled order
- Sa Ship and Deliver dashboard, pindutin ang My Orders
- Piliin ang Rebook Order
- Ilagay ang pick-up at drop-off details at piliin ang preferred courier at insurance mula sa available options. Pindutin ang Review Payment Summary
- I-review ang payment details at i-tap ang Pay with GCash
- Piliin ang Pay
- Mapupunta ka sa confirmation page na nagsasabing successful ang pag-rebook mo.