Device Security
Importante ang pagprotekta ng device mo para mapanatiling safe ang personal at financial data mo mula sa mga threats na posibleng gamitin ang iyong funds o information.
Naglalagay ng security measures ang GCash para mas maprotektahan ang account mo, at isa dito ay ang siguraduhin na hindi pwedeng i-access ang GCash app gamit ang modified/jailbroken o rooted device.
Pero hindi nito kayang i-block ang account mo. Pwede pa rin mag-log in sa GCash, basta ang gamit ay unmodified device.
Para maprotektahan ka at ang account mo, ito ang ilan sa mga steps na pwede mong gawin para makapag-log in sa GCash, depende sa error message na nakikita sa screen.
Kapag nabago ang default security settings ng isang device, pwedeng maging at risk ang personal information, kasama na ang social media at financial services access details mo.
Recommended ng GCash na gumamit ng device na hindi jailbroken o rooted. Ito ang ilan sa mga paraan para malaman kung jailbroken ang device
Para malaman kung rooted ang Android device mo, sundan ang mga steps na ito:
- Sa home screen, pindutin ang Settings
- Piliin ang About Phone
- Pindutin ang Status Information
- Kung ang nakalagay sa Status Information ay OFFICIAL, ibig sabihin nito ay hindi rooted ang device mo.
Sa home screen, i-search kung may third-party application para sa jailbreaking na nakalagay o naka-install sa device mo.
Kung hindi applicable ang mga steps sa itaas, makipag-ugnayan sa accredited service provider ng mobile device mo para mapa-check ito.
Posibleng magdulot ng security vulnerabilities ang pagkakaroon ng modified system settings, katulad ng pagpayag ng installations mula sa “Unknown Sources” at “Developer Options”, kaya dapat itong i-turn off.
I-disable ang installs mula sa Unknown Sources
Pwedeng ma-hack ang personal information mo dahil sa mga downloads at installations mula sa “Unknown Sources”.
Ito ang pwede mong gawin para ma-disable ang installations mula sa Unknown Sources:
- Pumunta sa phone Settings at hanapin ang “Unknown Sources/Apps” o “Untrusted Sources”. Depende ang location nito sa device brand at model.
- Pindutin ang button na disable this setting para sa lahat ng apps.
- Kapag disabled na ito, i-turn off at i-restart ang GCash app.
I-disable ang Developer Options
Pwedeng i-adjust ang operating system sa testing at applications gamit ang Developer Options. Available ang setting na ito sa Android devices.
Sundan ang mga steps na ito para i-turn off ang Developer Options:
- Pumunta sa phone Settings at hanapin ang Developer Options
- Pindutin ang button para i-disable ang Developer Options
- Kapag disabled na ito, i-turn off at i-restart ang GCash app.
Kung hindi ayon ang mga steps na ito, ipatingin ang mobile device sa accredited service provider para matignan ito.
Nakita ng system na ang device mo ay hindi secure (Ref:04/ Ref:05/ Ref:06)
Posibleng maging at risk ang device mo dulot ng bagong security threat/issue. Nakita ito ng isang certified security feature na pumipigil sa mga unauthorized access sa GCash account gamit ang modified o compromised na mga devices.
Posibleng nakatanggap ka ng prompt na ito dahil sa:
- Na-detect ng system na posibleng jailbroken o rooted ang device mo
- Na-detect ng system na pinapayagan ng settings mo ang installation mula sa untrusted sources o developer options
- Posibleng may mga applications na naka-install na ginawang unsecure ang device mo.
Pwede mong tignan ang mga steps na nabanggit sa taas para subukang iresolba ang mga issue, o kausapin ang accredited service provider ng mobile device para ma-check ito.
Para ma-protektahan ang account mo, hindi mo pwedeng buksan ang GCash sa kahit anong device na nakatanggap na ng ganitong error prompt. Para makagamit ng GCash, buksan ang GCash app sa secure at unmodified mobile o tablet device.
Need more Help?
Para sa karagdagang impormasyon, tignan ang mga sumusunod na articles: