Wala akong natanggap na OTP (One-Time PIN) para sa GCash transaction/login ko
Kung wala kang natanggap na OTP (One-Time PIN) o 6-digit authentication code o matagal ito dumating, posibleng dahil ito sa mahinang signal. Kung wala pa ding OTP (One-Time PIN) na dumating pagkatapos ng ilang minuto, pindutin ang Resend para mag-request ng bago.
Mga Troubleshooting Tips:
- I-check ang network: Siguraduhin na nasa area ka na may malakas na signal. Pwede ka din lumipat sa lugar na may mas magandang reception.
- I-on ang airplane mode: I-on ang airplane mode, maghintay ng 5 seconds, at i-turn off ito.
- I-force close ang app: Isara at buksan ulit ang GCash app.
- I-restart ang device: I-turn off at i-turn on ulit ang device.
- I-update ang GCash app: Tignan kung up to date ang GCash app mo.
- Tignan ang SMS inbox: Siguraduhin na hindi pa puno ang inbox. Mag-delete muna ng mga messages para sa extrang space.
Paalala:
Para sa mga DITO subscribers na may GSave by CIMB, matatanggap niyo ang OTP sa GCash-verified email address.
Need more Help?
For other inquiries or concerns, check out the following articles: