Bakit na-deactivate ang GCash account ko?
Kung nakatanggap ka ng email tungkol sa Account Deactivation at hindi mo na ma-access ang GCash account mo, ibig sabihin na-deactivate o na-close na ang GCash Basic account mo.
Nadi-deactivate ang GCash account kapag hindi ito fully verified within 12 months mula noong ginawa ito. Ito ay alinsunod sa rules at regulations ng Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP). Click here para alamin ang iba pang details ng policy na ito.
Kung gusto mong gumamit ulit ng GCash, pwede kang gumawa ng bagong GCash account.
Kung may pera ang account mo:
Ang mga GCash Basic accounts na hindi verified at may laman pang pera ay mase-suspend at magkakaroon ng Account Maintenance Fee na PHP 15 kada buwan. Magpapatuloy ang singil na ito hanggang sa maubos ang laman ng wallet mo.
Kung gusto mong i-withdraw ang natitirang pera sa GCash Basic account mo, sundan mo lang ang mga steps na ito.
Need more Help?
Para sa karagdagang impormasyon, tignan ang mga sumusunod na articles: