I-secure ang iyong GCash Account
I-secure ang iyong account gamit ang mga safety features at tips ng GCash. HINDI kailanman magpapadala ng links via SMS/email o hihingiin ang iyong MPIN/OTP ang GCash.
Palitan mo ang GCash MPIN ung nakalimutan mo siya.
Gamitin ang fingerprint o facial recognition para sa mabilis at secure na access sa GCas account mo.
Isang security feature ng GCash ay nag-a-authorize na mag-register ka ng ISANG mobile phone or device lang para ma-access ang GCash account mo.
Matutong mag-identify at iwasan ang mga scams at phishing attempts para protektado ang iyong personal na impormasyon at GCash account.
Paano Malalaman ang Scam
Huwag magpaloko sa mga scam. Kung alam mo ang mga signs, pwedeng maiwasan. Eto ang mga dapat bantayan sa scam transactions:
- Unexpected Offers: Mag-ingat kung bigla kang makatanggap ng message o call na nanalo ka ng prize, may malaking discount, o job offer out of nowhere. Scammers bibigyan ka ng malaking pangako pero kailangan mo muna mag-transfer ng pera para makuha yung prize o reward.
- Pressure to Act Fast: Pag sinabi sayo na kailangan mo kumilos agad para maiwasan ang isang problema, mag-pause ka muna. Scammers gusto ka madaliin para di ka makapag-isip ng tama.
- High-yield Investment Offers: Scammers sasabihin nila na kikita ka ng malaki pag nag-invest ka sa kanila.
- Product with Below the Market Price: Kapag sobrang mura ang binibenta nila or sobrang ganda ng benefits na sobrang ganda, malamang scam yan.
Manatiling alerto at aware sa mga signs na pwedeng makaiwas sa scam. Kung tingin mo na-scam ka na, please click here to ask for help.
Paano malalaman kung nananakaw ang account information mo
Phishing is a common way for fraudsters to steal your personal information, including your GCash account. Here’s how you can identify if someone is trying to phish your information:
- Weird Links: Don’t click on links from unknown sources, even if it says it’s coming from GCash. Fraudsters use fake websites to steal your info.
- Calls asking for Personal Information: GCash will never ask for your MPIN, or OTP over the phone.
- Fake GCash Pages. Social media pages are pretending to be giving customer support. Please report the issue only through Gigi or the GCash Help Center.
- People buying or renting your account. Some individuals may trick you into lending your GCash account and then giving you money in return. Do not engage with them as they may use your name in illegal activities.
Only refer to our Official GCash pages with a blue check mark and our Help Center through the app or help.gcash.com.
Ang phishing ay isang common na paraan ng mga scammer para makuha ang iyong personal na impormasyon, kasama na ang iyong GCash account. Ganito mo malalaman kung may taong nag-tatangkang kumuha ng impormasyon mo sa di tamang paraan:
- Weird o kakaibang Links: Huwag mag-click ng mga link mula sa hindi kilalang sources, kahit pa sabihin nila na galing ito sa GCash. Gumagamit ang mga scammer ng fake websites para nakawin ang impormasyon mo.
- Mga Tawag na Humihingi ng Personal na Impormasyon: Hinding-hindi hihingin ng GCash ang iyong MPIN o OTP sa telepono.
- Pekeng GCash Pages: May mga social media pages na nagkukunwaring nagbibigay ng customer support. I-report lang ang mga issue sa pamamagitan ni Gigi o sa GCash Help Center.
- Mga taong bumibili o nangungupahan ng account mo: May ilang tao na magtatangkang utuin ka para ipahiram o ibenta ang GCash account mo kapalit ng pera. Huwag makipag-deal sa kanila dahil posibleng gamitin ang pangalan mo sa illegal na gawain.
Kung may natanggap kang mga kahina-hinalang links, emails, o SMS, baka galing 'yan sa mga nag-ko-pretend na GCash para makuha ang details mo. Para i-report ito, bisitahin ang GCash Contact Us page page at i-click ang Chat with Gigi.
Maging alerto at wag magbibigay ng personal information para siguradong safe ang GCash account mo sa mga scammers.