Simulan ang GCash
Ang GCash ay isang finance super-app na tumutulong sa'yo para mas madali mong ma-manage ang pera mo. Pwede kang magpadala at tumanggap ng pera, magbayad ng bills, mag-shopping online, mag-invest, at kung anu-ano pa—lahat ito nasa isang app lang.
Paano gumawa ng GCash account
Alamin kung paano mag-setup ng GCash account mo.
May iba't ibang klase ng GCash account. Tignan kung anong para sa'yo:
Regular GCash Account: Para sa mga GCash users na 18 years old pataas na gumagamit ng SIM mula sa Pilipinas
GCash Jr: Para sa mga GCash users na 7 hanggang 17 years old na may SIM na galing sa Pilipinas
GCash Overseas: Para sa mga Pilipino na may SIM na galing sa ibang bansa. Pwede niyong makita ang listahan ng mga bansang sakop dito.
Kapag naka-create ka na ng GCash account mo, magsisimula ka sa Basic Profile. Heto ang mga limits ng wallet at transaction kapag Basic kumpara sa Fully Verified accounts.
Basic Profile | Fully Verified Account | |
Wallet Limit | PHP 10,000 | PHP 100,000 |
Incoming Transaction Limit | PHP 5,000 | PHP 100,000 |
Outgoing Transaction Limit | PHP 5,000 | PHP 100,000 |
Pwede kang mag check ng Wallet & Transaction Limits sa GCash app. I-tap lang ang Profile > Profile Limits.
Get Fully Verified
Mag-enjoy ng lahat ng features ng GCash na merong higher wallet at transaction limits kapag Fully Verified na ang GCash account mo.
Narito ang guide para ma-fully verify ang GCash account mo:
- Mag-log in sa GCash: Buksan ang app at mag-sign in.
- Pumunta sa Verification: I-tap ang Profile > Verify Now
- I-submit ang valid ID at selfie: I-scan ang tanggap na valid government ID para sa verification at ready na mag-selfie.
- Maghintay ng approval: Ire-review ng GCash ang mga documents mo at magpapadala sila ng SMS tungkol sa verification status mo.
Para sa karagdagang impormasyon, bisitahin ang 'What are the steps to get a Fully Verified GCash account?'