On hold ang GCash account ko, paano ko ito mabubuksan?
Kung may lumabas na prompt na nagsasabing “Your account is on hold,” posibleng dahil ito sa mga sumusunod:
- Inactive ang account: Kung ang GCash Basic account mo ay hindi Fully Verified sa loob ng 12 buwan, magiging deactivated ito.
- Maling Impormasyon: Ang impormasyon o dokumentong ibinigay mo para sa verification ay posibleng hindi totoo o hindi tama.
- Illegal na paggamit: Ang account mo ay posibleng sangkot sa ilegal na activity o suspicious na transaction, o baka ginagamit ng hindi awtorisadong tao.
- Legal Orders: Posibleng may natanggap na utos ang GCash mula sa gobyerno o korte para i-hold ang account mo.
- Inactive na wallet: Kung walang transaction o walang laman ang GCash Wallet mo sa loob ng 6 na buwan, ito ay itinuturing na inactive.
Mga dapat gawin kung ang account ay on hold
1. I-check kung nakatanggap ka ng email
Tignan ang inbox o spam folder ng email na nakarehistro sa GCash account mo para makita kung may natanggap kang email tungkol sa "Account Deactivation." Kung may natanggap kang email, click here to ask for help para ma-unblock ang account mo.
Kapag na-unblock, kailangan mong i-Fully Verify ang account mo. Kapag hindi mo na-Fully Verify ang iyong account sa loob ng 48 oras, magiging on hold ulit ito.
2. I-check ang SMS tungkol sa routine verification
Kung hindi ka nakatanggap ng kahit anong email, tingnan kung nakatanggap ka ng SMS mula sa GCash: “Hi! Your GCash account was put on hold due to routine verification. This is following GCash's Terms and Conditions.”
Para ma-access ang account mo, click here para ipasa ang sumusunod na mga dokumento:
- Larawan ng harap at likod ng dalawang (2) valid government-issued IDs.
- Larawan ng pirma mo sa papel
- Proof of income (kagaya ng income tax return o payslip kung employed; business registration kung self-employed).
- Proof of billing (kagaya ng utility bill o rental statement)
3. Mag-Chat with Gigi para sa karagdagang tulong
Kung hindi ka nakatanggap ng SMS o email, mag-Chat with Gigi at i-type ang ‘Account on Hold’ para matulungan kang i-check ang iyong account. Ihanda ang mga sumusunod na requirements na hihingin ni Gigi:
- Larawan ng dalawang (2) valid government-issued IDs
- Isang selfie kasama ang IDs
- Screenshot ng Phone/SIM Settings na nagpapakita ng GCash-registered number mo
Need more Help?
Para sa karagdagang impormasyon, tignan ang mga sumusunod na articles: