GInsure Send Money Protect
Send Money Protect is a personal cyber insurance product that secures your GCash Express Send money transfers to another GCash Account for up to PHP 15,000.00 in total, should you become a victim of (1) Social Engineering, (2) Account Take Over Fraud, or (3) Online Shopping Fraud.
GInsure Send Money Protect Group Policy is underwritten by our insurance partner, Insurance Company of North America (a Chubb Company), hereafter “Chubb”.
Jump to:
- Coverage
- Exclusion from Coverage
- Eligibility
- Enroll Payment in Send Money Protect
- Claims
- Contact Chubb
Coverage of Send Money Protect
PAALALA SA MGA SELLERS: Ang Send Money Protect ay hindi refund feature ng GCash Express Send money transfer. Ang pag-enroll ng customer ng Express Send transactions sa Send Money Protect insurance ay para sa proteksyon kung sakaling mabiktima ng scams na covered ng Policy, na ang insurance partner ang magbabayad sa customer.
For PHP30 only, ang pag-enroll sa Send Money Protect ay magbibigay ng coverage para sa iyong GCash Express Send transactions up to PHP15,000 sa loob ng 30 days laban sa (1) Social Engineering, (2) Account Takeover Fraud, o (3) Online Shopping Fraud.
Sa oras na ma-approve ang iyong claim, our insurance partner Chubb will reimburse the Express Send amount na na-scam sayo (na hindi hihigit sa benefit amount PHP 15,000 in total na nakasaad sa Policy Schedule.)
Paalala na ang pag review at approval ng claim ng Chubb ay naka-depende sa evaluation ng mga kinakailangang claim requirements na isusubmit mo.
Ang Send Money Protect ay nagbibigay ng cover kung sakaling mabiktima ka ng ganitong klase ng panloloko:
Social Engineering
Ito ay kapag nalinlang kang magbukas ng message galing sa mga entity o taong pinagkakatiwalaan o kilala mo na may layunin na pilitin kang mag Express Send money transfer.
Kabilang sa Social Engineering incidents ay phishing, malware phishing, spear phishing, smishing, vishing, at pharming.
Ilang halimbawa:
- Nakumbinsi kang mag Express Send money transfer sa isang legitimate na contact o kakila ngunit lingid sa iyong kaalaman, na-hack na pala ang account nito.
- Naloko kang mag Express Send money transfer sa scammer na nagpapanggap na galing sa isang charitable organization.
- Naloko kang i-authorize ang Express Send money transfer mula sa account mo papunta sa isang scammer na nagpapanggap na GCash representative. Nagrequest ng OTP ang scammer at ginamit ang impormasyon na binigay mo para makagawa ng isang fraudulent Express Send money transfer mula sa iyong GCash account.
Account Take Over
Ito ay kapag na-access ng scammer ang iyong GCash account at nakapag Express Send money transfer ito ng hindi mo awtorisado. Ang Account Takeover Fraud ay karaniwang resulta ng phishing scams, spyware, o malware scams.
Ilang halimbawa:
- Nakapagbigay ka ng personal na impormasyon tulad ng iyong password sa taong nagpapanggap na kakilala mo, na siyang nag access ng iyong GCash account at gumawa ng unauthorized Express Send transaction.
- Nakatanggap ka ng email na may fraudulent link. Pagka-click mo sa link, na install ang isang malware sa iyong device na siyang naging daan sa unauthorized access sa iyong GCash account.
- Nakapag download ka ng isang rogue app na may walware kung saan nakuha ang iyong GCash log-in details na nagdulot ng unauthorized access sa iyong GCash account.
Online Shopping Fraud
Nag Express Send money transfer ka bilang pambayad sa binili mong item online ngunit ang website o platform na binilhan mo ay fraudulent o peke.
Ilang halimbawa:
- Nag Express Send money transfer ka bilang pambayad sa item na binili mula sa isang online marketplace, ngunit hindi mo natanggap ang item o serbisyo at hindi na ma-contact ang seller.
- Bumili ka ng item online at nagbayad gamit ang Express Send money transfer, ngunit matapos nito walang ibinigay sayo na receipt o proof of purchase at naglaho na ang webpage o merchant.
- Nag Expess Send ka bilang pambayad sa isang scheduled cleaning service na nakita sa isang online advertisement, ngunit hindi dumating ang service at nalaman mong peke pala ang detalye sa online advertisement.
Exclusions from Coverage
Hindi covered ng Send Money Protect ang mga sumusunod:
- Hindi covered ang GCash Express Send money transfer mo na nasend sa maling GCash number.
- Hindi covered ang GCash Express Send money transfer mo sa potensyal na employer or recruiter kapalit ng pinangakong trabaho.
- Hindi covered ang anumang claim na may kinalaman sa crypto-currency, concert tickets, travel tickets, jewellery, watches, precious metals/gemstones, antiques o collectible items.
- Hindi covered ang anumang claim tungkol sa loss of employment, accident, sickness or injury.
- Hindi covered ang GCash Epress Send money transfer mula sa isang Business Account, o kahit anong business-related transaction.
- Hindi covered ang anumang loss na may kinalaman sa iyong trabaho tulad ng corporate-related transactions.
- Hindi covered ang anumang insidente before the start date o after the end date ng iyong insurance cover.
Karagdagang exclusions sa ilalim ng mga benefits:
Benefit | Exclusions |
Social Engineering |
|
Account Takeover |
|
Online Shopping Fraud |
|
Para sa kumpletong listahan ng policy exclusions, basahin ang Send Money Protect Group Policy.
Eligibility to Enroll in Send Money Protect
Requirements for you to avail Send Money Protect insurance:
Maaari kang mag-avail ng Send Money Protect insurance kung ikaw ay:
• 18 years old and above
• Filipino citizen o foreigner na Philippine Resident
• Isang Fully Verified GCash user
Note: Hindi ka pwedeng mag-enroll sa Send Money Protect insurance para sa ibang tao. Ang Insured ay ang GCash Account Owner na nag-enroll sa Send Money Protect at nagbayad ng premium gamit ang kanyang GCash Account.
Payment for Send Money Protect
Ang premium para sa Send Money Protect insurance ay one-time payment of PHP 30 lamang. For P30, covered ka na for 30 calendar days. Ito ay magsisimula sa araw ng pag-enroll mo sa Send Money Protect at pagbayad ng premium.
PAALALA: One-time payment lang ang PHP 30. Hindi mo kailangan magbayad ng PHP 30 sa bawat Express Send transaction na gagawin mo. Once enrolled ka na sa Send Money Protect, 30 days na ang coverage mo. Pagkatapos mag-expire ng coverage, maaaring mag-enroll ulit for another 30 days for another PHP 30.
Siguraduhin lamang na may sufficient balance ang iyong GCash Wallet para makapag-enroll sa Send Money Protect.
Pwedeng mag-enroll sa Send Money Protect kapag nag-Express Send money transfer ka gamit ang GCash app, sundan lamang ang mga screens sa ibaba:
Makakatanggap ka ng Confirmation of Cover mula sa Chubb via email sa loob ng 24-48 hours matapos ang successful enrolment sa Send Money Protect. Maaari ring pumunta sa MyGInsure sa loob ng GCash app para i-check ang iyong policies.
Claims
Requirements para mag-file ng claim for Send Money Protect
Ano ang requirements para mag-file ng claim sa Send Money Protect?
- Kailangan mong mag-file ng police report sa loob ng 24 oras matapos mo madiskubre ang pagkaka-scam sa iyo, tulad ng Social Engineering, Account Takeover Fraud, o Online Shopping Fraud.
- Kailangan mong mag-file ng GCash Help Center ticket sa loob ng 24 oras matapos madiskubre ang pagkaka-scam sa iyo para para ma-notify ang GCash at mapigilan ang susunod pang fraudulent activities, o suspendihin ang iyong GCash account kung ito ay na-takeover o na-hack. Click here to file a report.
- Dapat mo ring subukan na mabawi mula sa scammer ang perang nakuha sa’yo.
- Make sure na i-screenshot ang ebidensiya ng fraud or scam na naganap dahil hihingiin ito bilang documentary evidence of fraud kabilang ng claims requirements na isusubmit mo.
Kapag nakumpleto ang nasa itaas, maaari nang mag file ng claim by visiting the “My GInsure” tab sa loob ng GCash app, select your Send Money Protect policy na magdadala sa iyo sa “My Policies”. Select “Submit a claim” under the “Quick Actions” tab, at sundin ang mga instructions hanggang makumpleto.
Documents needed to file a claim for Send Money Protect
Ano ang mga dokumentong kailangan para mag-file ng claim para sa Send Money Protect?
- Copy ng original police report(s).
- Pahayag kung saan naka-detalye ang pagdiskubre sa panloloko o unauthorized transactions sa iyong GCash Account.
- Naka-dokumentong ebidensiya na may ginawang Express Send Money transaction tulad ng:
- Screenshot ng GCash transaction receipt kasama ang reference no.
- GCash transaction activity history sa loob ng app
- Copy ng usapan sa chat, SMS, call logs, email, mapanlinlang na website, at iba pang digital communication na nauwi sa Express Send money transaction(s) o request ng money transfer via GCash Express Send.
- Copy ng kahit anong usapan sa chat, SMS, call logs, email, mapanlinlang na website, at iba pang digital communication na magpapakitang sinubukan mong mabawi mula sa scammer ang perang nakuha sayo.
- Iba pang supporting documents na magpapatunay na ikaw ay naging biktima ng panloloko.
How to file a claim for Send Money Protect
Paano mag-file ng claim sa Send Money Protect?
- Ihanda ang iyong Send Money Protect Policy ID. Ipinapadala ito sa iyong GCash-registered email sa loob ng 24-48 hours matapos ang successful enrollment.
- Pumunta sa “My GInsure” tab sa iyong GCash app, piliin ang Send Money Protect policy na magdadala sa’yo sa “MyPolicies”. Piliin ang “Submit a claim” sa ilalim ng “Quick Actions” tab, at sundin ang instruction prompt para ma-kumpleto.
- You will be asked by the Chubb Claims Assessor to submit supporting documents at gawin ang mga steps sa ilalim ng bawat benefit.
- Makakatanggap ka ng acknowledgement email sa loob ng 48 na oras tungkol sa iyong claim number, claim information at PDF attachment/s ng lahat ng impormasyon na iyong pinasa.
- Kapag hindi nakatanggap ng acknowledgement email sa loob ng 48 na oras, tawagan lamang ang Chubb hotline sa +63277565410, Monday to Friday, 9:00am – 5:00pm, except public holidays.
- Magbigay ng 5-7 working days para sa end-to-end claims process mula sa pag submit mo ng kumpletong documents , hanggang sa release of claims decision.
- Kung ang iyong claim ay nasa ayos at aprubado, isang settlement letter ang ipapadala sa’yo.
- Matatanggap ang settlement via bank transfer gamit ang ibinigay mong bank details. Para sa mga hindi nagbigay ng bank details., ang settlement ay ibibigay sayo via check.
Cancellation of Policy
Pwede ko bang i-cancel ang aking policy?
Oo, maaaring i-cancel ang iyong policy. Gayunpaman, pinapayuhan naming panatilihin ang insurance coverage. Lalo’t dumadalas ang mga cyber attacks, mas maigi na magkaroon ng peace of mind para sa iyong GCash account.
Kapag kinancel mo ang iyong policy sa loob ng 7 days matapos matanggap ang Group Policy na ito o ang iyong Confirmation of Cover mula sa Chubb via email, ire-refund namin ang premium na PHP 30. Pag nakalipas na ang 7 days, hindi na maaaring i-refund ang premium.
Para kanselahin ang iyong policy, bisitahin ang link na ito para mag submit ng Help Center ticket.
Contact Chubb
Kung mayroong mga katanungan o concerns tungkol sa iyong policy, filing of claims, o status ng claim:
- Maaaring tumawag sa Chubb hotline +63277565410, Monday to Friday, 9:00am – 5:00pm, maliban kung public holidays.
Maaaring ring mag email sa gcashcustomerinquiries@chubb.com