For [English] version
Magandang balita! Maaari na nating gamitin ang GCash sa pagbayad ng ating orders sa McDonalds sa pamamagitan ng McDelivery App, McDelivery Online at sa McDonalds App sa loob ng GLife na matatagpuan sa ating GCash dashboard
Paano magbayad sa McDelivery App at McDelivery Online gamit ang GCash?
- Umorder ng mabuti
- Piliin ang GCash bilang payment option kapag nasa CHECKOUT na
- Ilagay ang OTP na ipapadala sa rehistradong GCash mobile number
- Ilagay ang MPIN
- Kumpirmahin ang order
Paano magbayad sa McDonalds App sa GLife gamit ang GCash?
- Pumunta sa GLife na matatagpuan sa ating GCash dashboard
- Piliin ang McDonalds App
- Umorder ng mabuti
- Kumpirmahin ang order
Frequently Asked Questions
- Umorder ako ng BTS Meal sa GLife ngunit nagkaproblema sa pag proseso ng aking bayad sa GCash, anong pwede kong gawin?
- Maaaring nagkaproblema sa likod ng pagproseso ng iyong bayad dahil sa inaasahang kalakihan ng volume ng orders
- Antayin lang ang refund sa loob ng 48 oras kapag ito ay na-imbestigahan ng McDonalds at bigyan ng go-signal ang GCash upang iproseso ito
- Maaari din kayong mag follow up sa McDonalds Customer Care
- Umorder ako ng BTS Meal sa GLife ngunit hindi na-deliver ang aking order kahit na maayos ang naging payment, anong pwede kong gawin?
- Maaaring nagkaproblema sa likod ng pagproseso ng deliveries dahil sa inaasahang kalakihan ng volume ng orders
- Kadalasan ay may tatawag sa McDonalds upang abisuhan ang customers sa delay, ngunit kung hindi makatanggap ng tawag, Antayin lang ang refund sa loob ng 48 oras kapag ito ay na-imbestigahan ng McDonalds at bigyan ng go-signal ang GCash upang iproseso ito
- Maaari din kayong mag follow up sa McDonalds Customer Care
- Paano makipag ugnayan sa McDonalds Customer Care?
- Sa Email at writeus@ph.mcd.com
- Sa Hotline at 88635490 (NCR)
- O bisitahin ang kanilang opisyal na website kung ikaw ay nasa labas ng NCR
- Paalala na lahat ng disputes ay kelangang dumaan sa masusing verification ng McDonalds
- Saan pwedeng sumangguni kapag hindi dumating ang ating inorder?
- Magandang makipag ugnayan agad sa McDonalds hotline upang masabihan agad ang rider
- Para sa refund request dahil sa problema sa delivery, makipag ugnayan lang sa McDonalds Customer Care
- Sa Email at writeus@ph.mcd.com
- Sa Hotline at 88635490 (NCR)
- O bisitahin ang kanilang opisyal na website kung ikaw ay nasa labas ng NCR
- Kapag nasabi ng McDonalds Customer Care na ang refund ay naproseso na ngunit hindi pa bumabalik ang balanse sa ating GCash, saan pwedeng sumangguni?
- Maaring makipag ugnayan muna sa McDonalds Customer Care para i-follow up
- Ang McDonalds Team ay patuloy na susuriin ang concern at makikipag ugnayan sa GCash upang sa pag refund ng ibinayad
- Kapag kinailangang i-cancel ang ating order, saan pwedeng sumangguni?
- Kapag hindi pa dumadating ang delivery, mas mabuting itawag agad sa McDelivery order hotline upang maikansela agad ito ng McDonalds sa branch
- Kapag nakarating na ang order, maaaring hindi na ito ma-cancel
- Kapag may reklamo sa kalidad ng pagkain at serbisyo o kahit ano pang may kinalaman sa feature ng McDelivery, saan maaaring makipag ugnayan?
- Sa McDonalds Customer Care upang ito'y maimbistegahan sa kanilang hanay