[for English version]
Mamili, mag swipe, at magbayad sa kahit alin sa 35.9 milyong merchants sa loob ng 210 na bansa gamit ang 150 klase ng pera sa pamamagitan ng iyong GCash MasterCard! Mag withdraw sa kahit saang miyembro ng Bancnet ATMs sa loob ng bansa o kaya'y sa miyembro ng MasterCard ATMs sa buong mundo! Magkaroon na mabilisan pondo sa simpleng pag link lang ng iyong card sa iyong GCash account.
Card Design and Features
Harapang bahagi ng card
Likurang bahagi ng card
Mga Bahagi ng GCash MasterCard:
1. EMV Chip
- Nakaukit na microchip na may kaakibat na teknolohical na disenyo katulad ng karamihang disenyong makikita sa iba't ibang ATM at point of sale (POS) terminals para sa dagdag seguridad sa ating ibinayad
- Ang chip ay naglalaman ng mahahalagang impormasyon ng ating account na hindi madaling makompromiso ng sinuman maliban sa lehitimong transaksyon.
- Ang salitang EMV ay galing sa pangalang Europay, Mastercard, at Visa, and tatlong kumpanya ng nagsanid pwersa upang pangalagahan ang seguridad sa pamamagitan ng makabagong teknolohiya gaya ng paglagay ng chip sa card
2. Card Number
- Isa sa pinakamahalagang bahagi ng ating card at kailangan sa bawat transaksyon
- Ang card number ay iba sa Virtual Account Number, isang bagong tampok na magdadagdag seguridad sa pag identify ng ating card sa ibang mga transaksyon. (Ito'y iba din sa ating GCash Account Number)
- Para sa ating kaligtasan, siguraduhing ligtas at pribado ang ating card sa lahat ng oras. Huwag basta i-type ang card number o kunan ng litrato ang card maliban kung ito'y lubos na kailangan at sa otorisadong channel lamang
3. Card Expiry
- Ang petsa kung kailan matatapos ang validity ng ating GCash MasterCard
- Makakatanggap ng SMS galing sa GCash tatlong (3) buwan bago mag-expire ang ating card. Maaari po tayong umorder ng bagong card online o sa piling store partners
4. MasterCard Logo
- Ito'y nagpapatunay ng kaugnayan ng GCash at MasterCard upang tayo'y makapagbayad sa kahit alin sa mga partners ni MasterCard sa buong mundo
5. GCash Contact Details
- Ito'y naglalaman ng impormasyon kung paano pwedeng sumangguni sa GCash
- Inirerekomenda din na atin i-save and contact details ni GCash sa ating telepono o saan mang madaling makita kapag kailangan nating sumangguni sa GCash
6. Signature Strip
- Ito'y bahagi ng card na kailangang nating pirmahan para sa dagdag seguridad
- Ang ibang merchants ay maaaring iobliga ang customer na pirmahan ang card kapag blanko pa at humingi ng valid ID para ikumpara ang impormasyon
7. MasterCard Hologram
- Isa pang bahagi ng card na makakatulong sa merchant upang masigurong hindi peke ang card
8. CVV Code
- Ang 3-digit code na hinihingi ng bawat merchant para sa dagdag na mahalagang seguridad sa bawat transaksyon
9. Bancnet Logo
- Ito'y nagpapatunay ng kaugnayan ni GCash at Bancnet upang makapag-withdraw tayo ng cash gamit ang ATM partners ni Bancnet
Frequently Asked Questions
1. Magkano ang halaga ng pagbili ng isang GCash MasterCard?
- Ang GCash MasterCard ay maaaring makuha sa abo't kayang halaga ng Php150 SRP sa mga kaakibat na stores
- Simula October 27, 2020, ang pagbili ng GCash MasterCard online o kaya'y sa app ay magkakaroon ng dagdag na Php65 para sa delivery fee na babayaran kasabay ng card fee. Sumatotal, ito'y nasa Php215
- Importanteng malaman na ang pag refund sa isang delivery order ay maaaring makaltasan ng delivery fee at ang maaaring bumalik lamang ay ang halaga ng card na Php150
2. Paano bumili ng GCash MasterCard?
- Kapag online bumisita lamang sa opisyal ng GCash website sa (https://www.gcash.com/mc-store/orders) kung saan ang bayad ay isasagawa sa GCash App
- Kapag sa GCash App pumunta lamang sa Payment Solutions (pag order) at Pay Bills (pagbayad)
- Sa mga piling tindahan o convenience stores
- Para sa karagdagang impormasyon kung paano um-order o bumili, i-click lamang ang https://help.gcash.com/hc/en-us/articles/360017730834
3. Paano ili-link ang GCash MasterCard sa aking GCash account?
- Ang pag link ng card ay maaaring gawin mula sa GCash App at sa USSD
- Para sa karagdagang impormasyon kung paano ili-link ang card, i-click lamang ang https://help.gcash.com/hc/en-us/articles/360017460314-How-do-I-link-my-GCash-MasterCard-to-the-GCash-App-
4. Paano ko magagamit ang aking GCash MasterCard kapag mamimili online?
- Ang GCash MasterCard ay maihahalintulad sa paggamit ng isang debit card sa mga online stores na tumatanggap ng MasterCard. Ilagay lamang ang mga detalyeng kelangan kapag nagbabayad na online (tignan ang sample sa ibaba)
- Siguraduhin lang na may sapat na pondo ang iyong GCash account kung saan nakakabit ang iyong GCash MasterCard bago magsagawa ng pagbayad
5. Paano ko magagamit ang GCash MasterCard sa loob ng isang pisikal na tindahan?
- Ibigay lamang ang iyong GCash MasterCard sa tauhan ng tindahan kapag magbabayad na
- Ang ibang POS terminal ay maaaring ipalagay sa iyo ang 4 digit MPIN ng iyong GCash account
6. Paano mag unlink ng GCash MasterCard mula sa aking GCash account?
- Sa ngayon ay kelangan lamang mag sumite ng ticket at ibigay ang mga detalyeng kelangan
- Para sa karagdagang impormasyong kung paano mag unlink, i-click lamang ang https://help.gcash.com/hc/en-us/articles/360031454153-How-do-I-unlink-my-GCash-MasterCard-from-my-account-
7. Kelangan bang maging fully verified ang estado ng aking GCash account bago makapag link at gumamit ng GCash MasterCard?
- Opo. Ito'y maaari lamang sa isang fully verified na GCash account
- Ika'y maaaring dumaan sa simpleng verification process gamit lamang mismo ng iyong GCash App
8. Kelangan pa bang i-activate ang isang bagong bili na GCash MasterCard?
- Opo. Sa bawat bili ng card ay may nakalakip na gabay kung paano ia-activate ang iyong card
9. Ano ang Virtual Account Number?
- Ito'y bahagi ng paparating pa lang na tampok kung saan ang bawat GCash MasterCard ay mabibigyan ng kani-kanilang 12 digit code para sa dagdag na seguridad
- Abangan laman ang mga sumusunod na anunsyo ukol dito
10. Ano ang mga paraan upang maiwasang mabiktima ng isang fraudster o scammer?
- Huwag makipag usap kanino man sa Messenger o Twitter lalo pa't kung sila'y magsasabing nagta-trabaho sa GCash. Ang GCash ay hindi sumasagot gamit ang nasabing social media messages at lalong hinding hindi hihingi ng mga sensitibong impormasyon gaya ng MPIN, OTP, card expiry at CVV para sa seguridad ng account ng aming customers
- Iwasang mag click at magbigay ng sensitibong impormasyong sa mga phising links o yung mga text o email na mag kelangan pindutin at magdadala sa yo sa ibang page. Ito'y sadyang delikado at uulitin po namin... Ang GCash ay hindi sumasagot gamit ang nasabing social media messages at lalong hinding hindi hihingi ng mga sensitibong impormasyon gaya ng MPIN, OTP, card expiry at CVV para sa seguridad ng account ng aming customers
- Iwasa ding bumili ng GCash MasterCard sa mga nagbebenta na hindi otorisado ni GCash dahil bukod sa mas mahal ito, maaari ding na-kompromiso na ang card na iyong bibilin bago pa maabot sa yo