[for English version]
Mag top up ng inyong RFID account sa pinakamabilis na paraan. Sundan lamang ang mga sumusunod:
Frequently Asked Questions
1. Saan ko makikita ang aking RFID account number?
Ang iyong account number ay imatatagpuan sa likod ng iyong RFID card sa ilalim ng QR code
Siguraduhing ang iyong ilalagay ay ang iyong 6 digit account number sa halip na 16 digit card number
2. Magkano ang pinakamababang halagang maaari kong i-top up?
Kinakailangang mag top up ng hindi bababa sa halangang Php200
3. Magkano ang pinakamataas halagang maaari kong i-top up?
Ang pinakamataas na halagang maaaring mong ibayad sa lahat ng aming billers ay nasa Php50,000. Subalit depende sa iyong GCash account wallet limit, may umiiral na monthly limit na aming mahigpit na pinatutupad. Mahalagang subaybayan mo ang iyong account upang malaman kung ang iyong ibabayad ay pasok pa din sa account limit ng kasalukuyang buwan
4. Gaano kabilis maproseso ang aking bayad?
Ang iyong top up ay kaagad agad na mapo-post sa iyong RFID account
5. Maari ko bang gamitin ang GCredit sa pagbayad?
Opo. Ang GCredit maaring gamitin sa pag top up ng iyong Autosweep RFID
6. May karagdagang bayad ba ang pag top up sa RFID?
Meron lamang convenience fee na Php10 sa bawat transaction
7. Anong maaaring mangyari kapag maling account number ang aking nailagay?
Maaari kang makatanggap ng error message upang abisuhan kang i-check muli ang iyong account number
8. Anong maaring mangyari kapag ang nailagay kong halaga ay mas mababa sa Php200?
Maaari kang makatanggap ng error message upang abisuhan kang i-check muli ang iyong ibinayad na halaga