[for English version]
Kelangan mo ng mas madaling paraang magbayad ng iyong SSS contribution? GCash ang bahala sa yo! Sundin lamang ang simpleng paraan ng pagbayad at ayos na! Laging tatandaan lamang kapag magbabayad ng SSS ay siguraduhing nakahanda ang iyong PRN (Payment Reference Number) upang maging mabilis at maayos ang iyong transaksyon.
Ang iyong gabay sa pagkuha ng SSS-PRN
Kunin ang iyong natatanging PRN (Payment Reference Number) ng kasalukuyang billing statement sa SSS website
- Ang PRN ay natatangi sa bawat buwan ng kontribusyon kaya't siguraduhing tignan at basahing maigi ang PRN buwan buwan
- Kakailanganin mo ding mag-set up ng SSS account mula sa Official SSS website o kaya sa pamamagitan ng MySSS App mula sa Google Play o Apple Store upang makuha ang iyong PRN buwan buwan
Ang iyong gabay sa pagbayad ng SSS-PRN gamit and GCash App
Frequently Asked Questions
1.) Maaari ba ko magbayad ng SSS loan amortization sa GCash?
Ikinalulungkot po namin na sa kasalukuyan, tanging indibiduwal na kontribusyon lamang ang maaaring tanggapin ni GCash pagdating sa usaping SSS-PRN
2.) Anong SSS payer type ang maaaring tanggapin sa GCash?
Maari pong maproseso sa GCash ang mga sumusunod kaugnay sa SSS contribution: self-employed, voluntary, non-working spouse, at OFWs
3.) Kelan makukuha ng SSS ang aking ibinayad?
Agad pong nakukuha ng SSS ang iyong ibinayad sa tulong ng ating partner na Bayad Center
4.) Ako'y isang MSME business owner. Maaari ba ko magbayad ng kontribusyon ng SSS para sa aking empleyado at bilang isang employer gamit and GCash?
Pasensya na po at sa ngayon ay indibiduwal na kontribusyon pa lamang ang maaaring tanggapin ng GCash
5.) Maaari ba kong gumamit ng lumang PRN upang bayaran ang aking kasalukuyang kontribusyon?
Gustuhin man namin pero hindi na po talaga maaaring gamitin ang lumang PRN sapagkat ito'y may bisa lamang hanggang 5 araw matapos ang due date ng kanyang nasasakupang billing period. Ang pagpumilit ng pagbayad gamit ang lumang PRN ay maaari pong magdulot ng problema sa pagbayad o kaya't kabawasang hindi inaasahan sa iyong GCash wallet.
Helpful Links: