[for ENGLISH version]
Ang pagbayad ng inyong PrimeWater Bill ay lalo pang napadali dahil sa GCash. Sa ilang ilang pindot lang ika'y makapaglalaan na ng mahahalagang oras kasama ang iyong pamilya ng hindi nag aalala saan magbabayad ng iyong bill. Kapag magbabayad sa GCash, siguraduhing nakahanda ang iyong PrimeWater bill at tignang mabuti and iyong kasalukuyang ATM Ref No. at Account Number upang makasiguro na tama ang iyong binabayarang account.
Ang iyong gabay sa pagbabayad ng PrimeWater bills sa GCash
Ilagay lang ang tamang ATM Ref No. ng iyong kasalukuyang billing statement na mahahanap sa itaas at ibabang bahagi
- Ang bawat billing statement ay binibigyan ng ATM Ref No. (10 to 14 digits) upang magsilbing numero ng sanggunian ng PrimeWater na magtatalaga sa isang financial institution kagaya ng GCash maproseso ang bayd ng bawat customers sa bawat billing cycle. Siguraduhing gamiting lamang ang ATM Ref No. ng kasalukuyang billing statement
- Iwasang gumamit ng lumang ATM Ref No. dahil ito'y maaaring hindi na tatanggapin at maaring magkaroon ng problema sa pag proseso ng iyong bayad
Ilagaya lang ang tamang Account Number na makikita din sa itaas at ibabang bahagi ng billing statement
- ito'y ang permanenteng numero kumikilala sa iyong PrimeWater account
Ilagay ang tamang halaga ng inyong babayaran
- Kopyahin ang halagang nakasaad sa iyong billing statement
- Siguraduhing eksakto ang halaga hanggang sa huling sentimo
Ang iyong gabay sa pagbayad ng PrimeWater bill gamit ang GCash App
Step 1: Piliin ang Pay Bills
Step 2: Piliin ang Water Utilities
Step 3: Piliin ang PrimeWater
Step 4: Ilagay ang mga sumusunod:
- ATM Ref No. (10 to 14 digits)
- siguraduhing ito'y ang nasa kasalukuyang billing statement dahil ito'y nagbabago buwan buwan
- Account Number (12 digits)
- Magkano ang kelangan bayaran
- saktong bayad lamang (hanggang sa huling sentimo)
- Email Address (optional)
Madalas na katanungan:
Pwede ba ko magbayad ng overdue na PrimeWater bill?
Ikinalulungkot namin na ang overdue PrimeWater bill ay hindi na namin maaaring tanggapin sapagkat ito'y maaaring napaso na or ang iyong account ay nabigyan na ng bagong detalye para sa susunod na buwan
Ano ang ATM Ref No.?
Ito ang numero ng sanggunian na ibinabahagi ng PrimeWater sa kanilang opisyal na financial institutional partner na gaya ng GCash. Ito'y ginagamit din upan mapangalagaan at matutukan ang bawat bayad ng isang customer
Maari ko bang gamitin ang aking nakaraang ATM Ref No. upang magbayad ng kasalukuyang billing statementI dahil hindi ko pa natatanggap ang aking bill?
Ikinalulungkot namin pero ito'y makikilala ng system bilang isang overdue payment at hindi tatanggapin ang bayad.
Hindi ko pa nakukuha ang aking PrimeWater billing statement, maaari mo na lang bang sabihin ang aking ATM Ref No. ?
Ikinalulungkot po namin pero wala kaming kapasidad na makita ang detalye ng inyong PrimeWater account maliban sa transaksyong nangyari gamit ang GCash. Ang iyong maaaring gawin ay subukan sa PrimeWater customer service at Customer Care Department Hotline: (02) 8851 5055, (02) 7368-2779 o magpadala ng email sa PrimeWater at Customer Care Department email: customercare@primewatercorp.com
Bakit hindi ako makapagbayad ng aking PrimeWater bill sa pamamagitan ng aking Saved Biller sa loob ng GCash?
Ito'y maaaring dahil sa may pagbabagong ginawa sa loob ng aming database kaya't ang dating nagawang Saved Biller ng PrimeWater ay hindi gumagana. Ang kailangan mo lang gawin ay ibura sa Saved Biller ang PrimeWater at muling ilagay ito gamit ang bagong icon.
Helpful Links:
- Official PrimeWater website
- PrimeWater Contact Us Page