Napag alaman ko na ang maaring matanggap ang DSWD Social Amelioration Program ay maaring matanggap via GCash, totoo ba ito?
Yes, may mga ayudang mapapadala gamit ang GCash. Kung ikaw ay nasa listahan mula sa DSWD ng mga mapapadalhan gamit ang GCash, matatanggap mo ito sa loob ng 7 working days.
Ako ay isa sa mga beneficiary ng DSWD Social Amelioration Porgram, magkano ang aking matatanggap sa aking GCash account?
Ang halaga ng SAP na inyong matatanggap ay depende sa inyong region.
Saan ko maaring magamit ang SAP na matatanggap ko sa aking GCash account?
Ito ay maaari mong ma-withdraw sa anumang Bancnet ATM kung ikaw ay may GCash mastercard o pwede mo itong i-cash-out sa aming mga GCash Partner Outlets katulad ng Puregold, Villarica at Tambunting Pawnshop. Kung ayaw i-cash-out, pwede mo itong gamitin para bumili ng load, mag bayad ng bills o kaya’t mag bayad sa mga grocery tulad ng Puregold.
Meron bang charge kapag ako ay nag-cashout sa mga GCash Partner Outlets?
Ang GCash Partner Outlets ay may charges na 2% subalit para sa mga tumanggap ng ayuda gamit ang GCash, P50.00 lamang ang ichcharge sa inyo. Ang anumang charges lagpas sa P50.00 ay ibabalik sa inyo in 3-5 working days. Halimbawa, ikaw ay nagcash-out ng halagang Php 3,000.00, ito ay mayroong charge na Php 60.00, P10.00 ang babalik sa inyo in 3-5 days.
Pano ko malalaman kung naipadala na sa aking GCash account ang DSWD Social Amelioration Program?
Ikaw ay maka-tatanggap ng text na ito ay naipadala na sa iyong GCash account.
Ako ay isa sa mga beneficiary ng DSWD Social Amelioration Program ngunit ako ay wala pang natatanggap na ayuda sa aking GCash account at lagpas na ng 7 working days, ano ang aking gagawin?
Maari po kayo makipagugnayan sa DSWD para po dito.
Pano ko malalaman kung ako ay kasama sa mga beneficiary ng DSWD Social Amelioration Program?
Maari kang makipag-ugnayan sa DSWD para malaman kung ikaw ay kwalipikado bilang isang beneficiary.
Paano ako makikipag-ugnayan sa DSWD?
Ikaw ay maaring makipag-ugnayan sa kanila sa pamamagitan ng mga numero sa ibaba at email.