[for ENGLISH version]
Mas pinadali na ang pagbayad ng iyong Meralco bill sa GCash. Simula November 5, 2020, ang kailangan na lamang ilagay ay ang iyong 10-digit account number kapag magbabayad ng iyong buwanang Meralco bills. Maaari mo ring idagdag ang Meralco sa listahan ng iyong Save Biller sa GCash App upang mas mapabilis pa ang iyong pagbayad sa hinaharap. Mananatiling tatanggap si GCash ng anumang uri ng bayad kasama ang overdue bills
Ang iyong gabay sa pagbayad ng iyong Meralco bills sa GCash
Ilagay ang iyong Meralco account number na matatagpuan sa itaas na kaliwang bahagi ng iyong billing statement
- Ito'y ang iyong permanenteng 10-digit number na kaugnay ng iyong Meralco account
- Hindi na kelangang maglagay ng 26-digit MRN number
Ilagay ang halagang iyong ibabayad sa Meralco
- Para sa iyong kaalaman, maari kang pumili kung ang iyong babayaran ay ang Total Amount Due, Current Amount, o Total Current Amount (TCA)
- Maari ka ring magbayad ng past due account kung hindi pa kasali sa disconnection notice
Ang iyong gabay sa pagbayad ng Meralco bill sa loob ng GCash App
Step 1: Piliin ang Pay Bills
Step 2: Piliin ang Electric Utilities
Step 3: Piliin ang Meralco
Step 4: Ilagay ang iyong account credentials
- 10-digit na permanenteng Meralco account number
- Halaga ng iyong ibabayad
Frequently Asked Questions
Anong maaaring mangyari kapag MRN ang aking ilalagay sa pagbayad?
Hindi mo makukumpleto ang buong 26-digit dahil ang App ay tatanggap na lamang ng 10-digit account number
Kailan makakarating sa Meralco ang aking ibinayad gamit ang GCash?
Ang iyong ibinayad gamit ang GCash ay magpo-post sa loob lamang ng 24 oras
Maaari ko bang i-save ang detalye ng aking Meralco account?
Opo maaari mong i-save para sa mas madaliang pagbayad sa hinaharap
Maaari ko pa bang gamitin ang detalye ng lumang Meralco Saved Biller sa loob ng GCash App?
Lahat ng na-save na detalye ng iyong Meralco account bago ang November 5, 2020 ay kailangan ng palitan ng bagong detalye upang hindi magkaroon ng problema sa iyong pagbayad sa hinaharap. Kinakailangang alisin muna natin ang lumang Meralco Saved Biller at mag-save ng bagong Meralco Biller upang magpatuloy ang ating mabilis na transaksyon sa hinaharap
Paano ko maidadagdag ang Meralco sa listahan ng aking Saved Billers?
Piliin lamang ang Add Biller, ilagay ang iyong detalye, at magtalaga ng paalala kung kelan dapat magbayad buwan buwan
Maaari ko pa bang bayaran ang aking Meralco bill sa GCash kahit na may disconnection notice na akong natanggap sa Meralco?
Ikinalulungkot namin na hindi na maaaring maproseso ang alinmang bayad sa account na may disconnection notice na galing sa Meralco gamit ang GCash. Maaaring sumangguni sa pinakamalapit na Meralco Business Center upang ayusin ito.