Paano mag-apply bilang GCash Pera Outlet Plus Retailer
Mas madali nang makapag-avail ng GCash services sa mga malalapit na sari-sari store. Pwedeng magpa-Cash In, Pa-Cash Out, Pay Bills, Send Load sa GCash Pera Outlet.
Steps para mag apply bilang GPO Plus Retailer
Para simulan mo ang application mo bilang GCash Pera Outlet Plus Retailer, gawin ang mga susumunod:
1. Mag contact ng Official GCash Pera Outlet Plus Distributor para simulan ang iyong application.
2. Maghanda ng mga tinatanggap na ID
-
ACR ID (Alien Certificate of Registration)
-
Driver's License
-
HDMF (Pag-Ibig)
-
IBP ID (Integrated Bar of the Philippines ID)
-
National ID
-
NBI Clearance
-
Passport
-
Postal ID
-
PRC ID (Professional Regulation Commission ID)
-
SSS ID (Social Security System ID)
-
UMID (Unified Multi-Purpose ID)
2. Ipakita ang ID sa distributor acquirer agent ang mga sumusunod:
- ID Type
- ID Number
- Photo of Front and Back ID Photo
3. Ilagay and iyong kumpletong address at ang nature of business ng iyong negosyo.
4. Magpakita sa acquirer agent ng isa sa mga sumusunod na dokumento
- Barangay Business Permit
- DTI Registration
- Mayor's Permit