Paano gamitin ang mga services ng GCash Pera Outlet Plus
Bilang GCash Pera Outlet Plus retailer, pwedeng magpa-Cash In, pa-Cash Out, at Pay Bills ang mga customers sa tindahan mo. Basahin kung paano gawin ang mga ito sa ibaba.
Mga Paalala:
- Siguruhin na ang bawat transakyon ay ginagawa sa GCash Pera Outlet Plus app.
- Ugaliin na ipa-check sa customer kung tama ang transaction details na inilagay.
- Tandaan na walang reversal na magaganap kung nagkamali sa pag-enter ng number
- Kunin ang bayad bago i-confirm ang transaction sa GCash Pera Outlet Plus app.
- Makakareceive ng confirmation ang customer sa bawat cash in at cash out transactions
Fund In
- Pindutin ang Fund-in
- Dagdagan ang pondo ng iyong GPO Plus Wallet gamit ang mga sumusunod:
-
- GPO Distributor
- 7 Eleven Store
- Online Banking
- ECPay Partners
Pa-Cash In
Magpa-cash in para malagyan ng laman ang GCash wallet ng customer.
- Pindutin ang Pa-Cash In
- Ilagay ang Cash Out amount at mobile number ni customer. Pindutin ang Next
- I-check ang mga detalye at pindutin ang Confirm Payment
- Ipakita kay customer ang resibo ng transaksyon
Pa-Cash Out
Gamit ang pa-cash out, malilipat ang amount galing sa GCash wallet ng customer papunta sa GCash Pera Outlet Plus wallet niyo. Pagkatapos, ibibigay niyo sa kanila ang aktwal na pera.
Ang pa-cash out ay walang minimum amount at may service fee ito na 2% na mababawas sa GCash wallet ng customer.
- Pindutin ang Pa-Cash Out
- Ilagay ang Cash Out amount at mobile number ni customer. Pindutin ang Next
- I-check ang mga detalye at pindutin ang Confirm Payment
- Ipakita kay customer ang resibo ng transaksyon
Send Load
- Pindutin ang Send load
- Piliin ang tamang Telco sa listahan
- Ilagay ang mobile number ni customer
- Ipa-check kay customer ang mga detalye at hingin ang bayad bago pindutin ang Next
Pay Bills
- Pindutin ang Pay Bills
- Piliin ang tamang biller sa listahan
- Ilagay ang detalye ng bill at ni customer
- Ipa-check kay customer ang mga detalye at hingin ang bayad bago pindutin ang Confirm Payment
Need More Help?
Kung may problema ka sa paggamit ng mga serbisyo ng GCash Pera Outlet Plus, pumunta sa GCash Pera Outlet Plus homepage at piliin ang More > Help and Support.