Bakit na-hold ang GCash account ko?
Kung may lumabas na prompt na nagsasabing “Your account is on hold,” posibleng dahil sa mga sumusunod:
-
Inactive ang account mo
Kung ang GCash Basic account mo ay hindi na-Fully Verify sa loob ng 12 buwan, made-deactivate ito. -
Maling personal information
Maaaring hindi tama o hindi totoo ang impormasyon o dokumentong sinubmit mo para sa verification. -
Illegal use
Puwedeng sangkot ang account mo sa ilegal na aktibidad, kahina-hinalang transaksyon, o baka ginagamit ito ng iba nang walang pahintulot. -
Ordered by the government
Posibleng may natanggap na order ang GCash mula sa gobyerno o korte para i-hold ang account mo. -
Inactive ang GCash Wallet
Kung walang laman o hindi nagagamit ang wallet mo sa loob ng 6 na buwan, ituturing itong inactive.
Ano’ng dapat gawin kapag na-hold ang GCash account?
1. I-check ang email mo
Tignan ang inbox at spam folder ng email na nakarehistro sa GCash account mo. Kung may natanggap kang email tungkol sa “Account Deactivation,” i-click ang link doon para mag-request na ma-unblock ang account.
Kapag na-unblock, kailangan mong i-Fully Verify ang account mo.
Paalala: Kung hindi ito ma-Fully Verify sa loob ng 48 hours, maho-hold ulit ang account.
2. I-check ang SMS para sa routine verification
Kung walang email, tingnan kung may natanggap kang SMS mula sa GCash. Ang mensahe ay maaaring ganito:
“Hi! Your GCash account was put on hold due to routine verification. This is following GCash's Terms and Conditions.”
Para ma-access ulit ang account mo, kailangan mong ipasa ang sumusunod na mga dokumento:
- Larawan ng harap at likod ng dalawang (2) valid government-issued IDs
- Larawan ng pirma mo sa papel
- Proof of income (halimbawa: income tax return o payslip kung employed; business registration kung self-employed)
- Proof of billing (halimbawa: utility bill o rental statement)
3. Mag-Chat with Gigi para sa tulong
Kung walang email o SMS, i-chat si Gigi. I-type ang “Account on Hold” para matulungan ka niyang i-check ang account mo. Siguraduhing handa ang mga sumusunod:
- Larawan ng dalawang (2) valid government-issued IDs
- Isang selfie kasama ang IDs
- Screenshot ng Phone/SIM Settings na nagpapakita ng GCash-registered number mo
Need more Help?
Para sa katanungan o karagdagang impormasyon, tignan ang mga sumusunod na articles dito: