Hindi pa verified ang GCash account ko pagkatapos ng 3 araw. Ano ang gagawin ko?
Pagkatapos mo mag-apply ng verification, aabot ng hanggang 3 araw para i-review ang iyong application. Makakatanggap ka ng SMS update pagkatapos ng 3 araw.
Kung matagal ang verification mo, ito ang mga pwede mong gawin para malaman kung bakit na-delay at paano ayusin ang mga pending na GCash verification issues.
Pumunta sa GCash app at i-tap ang Profile > Verify Now at tingnan kung ano ang nakikita mo sa verification page.
Kung nakita ito, ibig sabihin ay baka:
- Hindi pa nasisimulan ang verification process.
- Hindi natapos ang huling verification attempt.
- Tapos ka na sa process, pero na-reject ang huling application.
I-tap ang Verify Now sa ibaba ng screen para simulan o ituloy ang verification process. Makakakuha ka ng SMS update tungkol sa verification mo sa loob ng 3 araw.
Kailangan namin ng dagdag na dokumento mula sa’yo bago namin maiproseso ang application mo. I-tap ang “Continue Verification” para makita kung anong mga dokumento ang kailangan at i-submit ito sa loob ng 10 araw para matapos ang verification.
Kapag na-submit mo na ang mga dokumento, maghintay ng SMS update mula sa amin sa loob ng 4 araw. Kung hindi naipasa ang mga dokumento sa loob ng 10 araw, kailangan mong ulitin ang verification process.
Ibig sabihin ay natanggap na namin ang application mo at ito ay nire-review na. Ang pag-check nito ay umaabot ng hanggang 3 araw. Makakatanggap ka ng text message tungkol sa application mo.
Kung lumampas na ng 3 araw at wala ka pa ring natatanggap na update, i-click ito para i-follow up ang status ng verification mo. Siguraduhing i-screenshot ang verification page mo at i-attach ang photo nito kapag nag-submit ka ng ticket.
Need More Help?
Para sa iba pang katanungan o concerns, tingnan ang mga sumusunod na articles:
👉 What are the steps to get a fully verified account?👉 Accepted IDs for GCash Verification
👉 My GCash account verification failed. What should I do?