Ano ang mga steps para makakuha ng Fully Verified na GCash Account?
Alamin ang mga requirements at proseso para maging Fully Verified ang GCash account mo sa loob ng 3 araw. Sundin ang mga sumusunod:
Ano ang mga requirements para sa verification?
Kailangan mo lang ng isang valid government ID. Siguraduhin na ang ID mo ay hindi sira o expired.
Para sa mga minors at foreign nationals, kailangan mag-submit ng karagdagang dokumento.
Paano mag-verify ng GCash account?
Sundin ang mga sumusunod na steps depende kung ikaw ay Filipino Citizen, Minor, at Foreign National.
- Sa GCash app mo, pumunta sa Profile > Verify Now.
- Pindutin ang Get Started.
- Basahin ang mga reminders at requirements, tap Next.
- I-enter ang 6-digit authentication code na sinend sa mobile number mo, i-tap ang Next.
- Ilagay ang birthday mo at i-confirm kung Filipino citizen ka, pindutin ang Next.
- Piliin ang government ID na gagamitin mo para sa verification, at i-tap ang Select ID.
- I-scan ang ID mo at mag-selfie scan.
- I-review ang account information mo at pindutin ang Submit.
Makikita mo ang page na successful ang pag-apply mo para maging Fully Verified.
Paalala: Dapat Fully Verified GCash user ang magulang o guardian mo.
- Sa GCash app mo, pumunta sa Profile > Verify Now.
- Pindutin ang Get Started.
- Basahin ang mga reminders at requirements, i-tap ang Next.
- I-enter ang 6-digit authentication code na sinend sa mobile number mo, pindutin Next.
- Ilagay ang birthday mo at i-confirm kung Filipino citizen ka, i-tap Next.
- Piliin ang government ID na gagamitin mo para sa verification, i-tap ang Select ID.
- I-scan ang ID mo at mag-selfie scan.
- I-review ang account information mo at pindutin ang Confirm.
- I-upload ang selfie ng parent o guardian mo habang hawak ang ID mo, at ang photo ng original o copy ng PSA Birth Certificate mo.
- I-review ang lahat ng impormasyon at i-tap ang Submit.
Makikita mo ang page na successful ang pag-apply mo para maging Fully Verified.
Paalala: Para magpatuloy sa verification, siguraduhin na meron kang Alien/Immigrant Certificate of Registration.
- Sa GCash app mo, pumunta sa Profile > Verify Now.
- I-tap ang Get Started.
- Basahin ang mga paalala at requirements, i-click ang Next.
- I-enter ang 6-digit authentication code na sinend sa mobile number mo, i-tap Next.
- Ilagay ang birthday mo at ang nationality mo, pindutin ang Next.
- Piliin ang Alien Certificate of Registration bilang government ID na gagamitin mo, i-tap Select ID.
- I-scan ang ID mo at mag-selfie scan.
- I-review ang account information mo at pindutin ang Submit.
Makikita mo ang page na nagko-confirm ng application mo para maging Fully Verified.
Makakatanggap ka ng SMS update tungkol sa verification status mo sa loob ng 3 araw.
Para sa Filipino GCash users na gumagamit ng non-Philippine-issued SIM, click here para malaman kung paano maging Fully Verified.
Need More Help?
Kung merong ibang katanungan tungkol sa GCash verification, basahin ang mga sumusunod na articles:
👉 Accepted IDs for GCash Verification
👉 My GCash account is still not verified after 3 days. What do I do?
👉 My GCash account verification failed. What should I do?