Manage your Pera Outlet account
Hindi ma-open ang Pera Outlet
Kapag hindi mabuksan o magamit ang iyong GPO account, sundin ang mga sumusunod para ayusin ito:
- Siguruhin na updated ang GCash app
- Siguruhin na connected sa malakas na internet connection
- Kapag hindi gumana, subukang i-restart ang mobile phone
Kung sakaling nasubukan na ang lahat ng nabanggit at hindi pa rin ma-access ang Pera Outlet mini app, mag-submit ng ticket kalakip ang video recording ng actual experience sa pag open ng app.
Alamin ang mga Pera Outlet account status
Para masiguro na secure ang iyong account at sumasang-ayon ito sa GCash Terms & Conditions, ang GCash ay nagkakaroon ng regular na review para sa mga account at transaksyon ng registered Pera Outlet Retailers. Ayon sa Sections 18 and 20 ng GCash Terms & Conditions, may karapatan ang GCash na mag-suspend the wallet nang walang paunang abiso, kung makahanap ng anumang batayan para sa pag-deactivate nito.
Ang account status ay makikita sa itaas na bahagi ng Pera Outlet mini app. I-click ang sumusunod para malaman ang ibig sabihin ng iba’t ibang account status:
Ang iyong account ay approved na may condition. Kailangang makumpleto ang natitirang dokumento sa loob ng 30 days. Makikita ito kapag i-click ang Submit Documents. Siguruhing makapag-submit ng tama at kumpletong dokumento para tuloy-tuloy ang kita
Ang iyong account ay magiging suspended kapag nakaraan ang 30 days at hindi sapat ang nai-submit na dokumento mula ng kayo ay ma-activate bilang GPO retailer. Hindi mawawala ang iyong account o pondo, pero pansamantalang hindi magagamit ang Pera Outlet. Siguruhing makumpleto ito para patuloy na magamit ang mga serbisyo ng Pera Outlet.